Maliliit na negosyo, kanya-kanyang diskarte para di malugi | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maliliit na negosyo, kanya-kanyang diskarte para di malugi

ABS-CBN News
Published Sep 02, 2018 08:23 PM PHT

Sari-sariling diskarte ngayon ang mga may-ari ng mga maliliit na negosyo dahil sa sipa ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kasama rito ang mag-asawang Noel at Aceli Agatyon na nagbebenta ng kwek-kwek, hotdog, at calamares sa harap ng isang simbahan.

Dahil sa inflation, napilitan silang magtaas ng presyo ng patok nilang calamares dulot ng dagdag-presyo sa pusit at mantika.

Mula kasi sa P90 kada kilo ay umakyat sa P130 ang presyo ng pusit, habang P45 naman ang isang litrong mantika na dati’y P40.

ADVERTISEMENT
"Kailangan lang magsikap at maganda ang pakikitungo sa mga customer," ani Noel.

Imbes na P3 kada piraso ang bentahan sa calamares ay ginawa itong P10 kada 3 piraso para makatubo ng pantustos sa pangangailangan ng kanilang limang anak.

Higit kalahati naman ang patong ni Melly sa kaniyang puwesto sa mga tiyangge.

Ibinenta niya ng P350 ang bestidang nakuha ng P140 mula sa supplier. Habang P150 naman ang benta niya sa sandals na binili niya lang sa merkado ng P55.

Dahil dito umabot sa halos P30,000 ang kabuuang kita niya mula sa P10,000 na puhunan. Nakabili pa siya ng sasakyan.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
konsumer
street food
pagkain
inflation
dagdag-presyo
tips
price watch
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT