Bigayan ng ayuda sa mga PUV driver, operator iniatras sa Setyembre | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bigayan ng ayuda sa mga PUV driver, operator iniatras sa Setyembre

ABS-CBN News
Published Aug 30, 2023 05:37 PM PHT
|
Updated Aug 30, 2023 08:38 PM PHT

Iniatras sa Setyembre imbes na Agosto ang bigayan ng ayuda para sa mga driver at operator ng pampublikong sasakayan, sa harap ng patuloy na pagmahal ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ngayon lang kasi nakumpleto ang mga papel para ma-release ang pondo sa fuel subsidy.

Pero tiniyak ng LTFRB na nakahanda na ang listahan ng mga benepisyaryo.

"'Yong implementation, siguradong September," ani LTFRB Executive Director Robert Peig.
"'Yong implementation, siguradong September," ani LTFRB Executive Director Robert Peig.
ADVERTISEMENT
Nasa P10,000 ang fuel subsidy sa modern jeep at UV Express; P6,500 sa lumang jeep, taxi, bus at TNVS; P1,200 sa delivery riders; at P1,000 sa tricycle drivers.

Bukod sa ayuda, nakatakda na ring desisyunan ng LTFRB ang hirit na P1 provisional increase sa minimum fare sa jeep pero tinitimbang pa ng board ang mga isyu.

"Kinukuha po ng board kung ito ang ating desisyon, kung pagbibigyan, ano ang epekto sa ating mananakay? Kung hindi bibigyan, ano ang epekto sa operator at drivers? 'Yan ang balancing process," ani Peig.

Inaabangan din kung magkano ang ihihirit na dagdag-pasahe ng mga city at provincial bus pati ng mga operator ng UV Express.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
ayuda
fuel subsidy
PUV drivers
PUV operators
transportation
oil prices
oil price hike
LTFRB
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT