Pamilya ng mga OFW, kinakapos dahil sa mahal na bilihin | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamilya ng mga OFW, kinakapos dahil sa mahal na bilihin

ABS-CBN News
Published Aug 20, 2018 11:14 PM PHT
|
Updated Sep 15, 2019 03:44 PM PHT

* Sibuyas, bawang, mas mataas sa SRP ang bentahan
* Galunggong na imported, binebenta na

Dumadaing na ang mga pamilya ng ilang overseas Filipino worker (OFW) na nahihirapan umanong pagkasyahin ang perang ipinadadala sa kanila dahil sa mga nagtataasang presyo ng mga bilihin.

Isa rito si Allan Rufino na pilit pinagkakasya ang pinagsamang sahod niya at padala ng inang nagtatrabaho sa Israel para sa kaniyang mag-ina, bunsong kapatid, at tiyuhing may sakit.

Nasa P9,000 ang take-home pay ni Rufino kada buwan bilang promodizer sa mall habang P20,000 naman ang natatanggap nila kada buwan mula sa ina.

"Kahit naka-budget, kakapusin pa rin talaga," aniya.

ADVERTISEMENT
Nasa P14,000 ang budget nina Rufino sa pagkain kada buwan, bukod pa sa bigas na ginagastusan nila ng P1,700.

Nasa P6,000 naman ang ibinibigay nila para sa upa ng bahay, P1,300 para sa internet, at P1,330 para sa hulugang cellphone na ginagamit din para makausap ang inang nasa Israel.

Nasa P700 naman ang ginagastos nila para sa tubig, P800 sa kuryente, P280 sa tubig pang-inom, at P3,450 sa gamot, pamasahe, at baon ng anak.

Dala ng kahirapan, nakatakda na ring umalis ang asawa ni Rufino na si Irish para magtrabaho naman sa Jeddah, Saudi Arabia.

"Kabado pero iniisip ko na lang kailangan kasi," ani Irish.
"Kabado pero iniisip ko na lang kailangan kasi," ani Irish.
ADVERTISEMENT
Inihayag din ni Rufino ang interes na magtrabaho sa ibang bansa sakaling magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

PRESYO NG ILANG GULAY, LAGPAS SA SRP
Samantala, nabatid naman ng isang konsumer group na ilang gulay, gaya ng bawang at sibuyas, ang itinitinda sa ilang palengke nang mas mataas sa suggested retail price (SRP).

Sa pag-iikot nitong Lunes ng Laban Kosnyumer sa Mega-Q Mart sa Quezon City, natuklasan nilang ibinebenta ng P300 ang kada kilo ng lokal na bawang gayong P120 lang ang itinakdang SRP nito.

Nasa P75 naman ang SRP ng kada kilo ng puting sibuyas pero ang bentahan daw nito ay nasa P100 kada kilo na.

Hinimok ni Laban Konsyumer president Vic Dimagiba ang Department of Trade and Industry na gumawa ng hakbang laban sa mga tinderong nagbebenta ng mas mataas sa SRP.

Ayon naman sa mga nagtitinda, wala naman silang magawa kung mahal ang hango. Kailangan din daw kasi nila magpatong ng presyo para kumita kahit kaunti.

Ipinanukala naman ni dating Agriculture Assistant Secretary Dax Gazmin na tapyasan ang layer na pinagdadaanan ng gulay bago makarating sa konsumer.

Walo raw kasi ang layer ngayon na nagsisimula sa farmer, at dadaan sa disposer, consolidator, middleman, wholesaler, retailer, at vendor bago makarating sa konsumer.

Pero maaari naman daw alisin ang consolidator, middleman, wholesaler, retailer upang mapababa rin ang presyo.

"The bottom line is we want to bring wholesale prices on retail," ani Gazmin.
"The bottom line is we want to bring wholesale prices on retail," ani Gazmin.
ADVERTISEMENT
INANGKAT NA GALUNGGONG, BAWAL PANG IBENTA
Samantala, nilinaw naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bawal pang magbenta ng mga inangkat na galunggong sa mga palengke.

Mayroon na kasing nagtitinda ng mga inangkat na galunggong sa ilang palengke, gaya ng Kamuning Market.

Setyembre pa inaasahang magsisimula ang pag-angkat ng gobyerno ng galunggong bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng naturang isda.

Magugunitang pinirmahan noong nakaraang linggo ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang certificate of necessity o ang pahintulot sa pag-angkat ng galunggong hanggang Disyembre.

Hinikayat ng BFAR ang mga vendor na isumbong ang mga trader na sadyang pinapataas ang presyo ng isda o nagbebenta ng imported na galunggong sa palengke ngayon.

"Small vendors should organize para mabigyan sila ng kaukulang tulong ng Department of Agriculture," ani BFAR Director Eduardo Gongona.

-- Ulat nina Zen Hernandez, Alvin Elchico, at Warren De Guzman, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT