Ilang uri ng tinapay, sitsirya posibleng magtaas-presyo dahil sa mahal na asukal | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang uri ng tinapay, sitsirya posibleng magtaas-presyo dahil sa mahal na asukal

Ilang uri ng tinapay, sitsirya posibleng magtaas-presyo dahil sa mahal na asukal

ABS-CBN News

Clipboard

Ilang matatamis na sitsirya ang nagbabadyang magtaas-presyo sa harap ng nagmamahal na presyo ng asukal. ABS-CBN News
Ilang matatamis na sitsirya ang nagbabadyang magtaas-presyo sa harap ng nagmamahal na presyo ng asukal. ABS-CBN News

MAYNILA - Nangangamba na ring magtaas-presyo ang mga matatamis na sitsirya.

Ito ay sa harap ng nagmamahal na presyo ng asukal.

"Import talaga, there is really a shortfall, how do you explain ang ganyan kataas kung di shortfall yan, ano yan? We need prices to stabilize para din sa COVID recovery," ani Kissinger Sy, pinuno ng Philippine Confectionary, Biscuit, Snacks Association.

Matatandaang pumapalo na sa P100 ang kada kilo ng refined sugar sa ilang pamilihan.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Sy, posibleng apektado na rin ang mga manggagawa ng manufacturers ng sitsiryang maraming asukal.

Sa mga small players, kulang pambili ng sugar kaya at the prices right now di ako magtataka magsara o talagang maclampdown sa output kasi walang pambili e, so syempre jobs and all, yun ang next na impact," ani Sy.

Nakatakda na ring itaas ng mga panadero ang presyo ng cake, tinapay, at mga pastry dahil sa taas-singil ng asukal, mantika, at iba pang cost input.

Susulat naman ang grupo ng mga baker sa Department of Trade and Industry para humirit muli ng P4 dagdag-presyo sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal, na hindi isinali ng ahensiya sa inaprubahang dagdag-presyo ng mga produkto nitong mga nagdaang araw.

"It will take them 2 weeks minimum. Okay naman kami pag September na adjustment," ani Philbaking President Johnlu Koa.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.