Paglalagay ng SRP sa asukal, pinag-aaralan ng Department of Agriculture | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paglalagay ng SRP sa asukal, pinag-aaralan ng Department of Agriculture

Paglalagay ng SRP sa asukal, pinag-aaralan ng Department of Agriculture

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Pag-uusapan na ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa asukal.

Ito ay sa harap ng pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, ang kakulangan pa rin sa supply ang rason ng pagtaas ng presyo ng asukal.

Pero aniya, hindi dapat umabot sa mahigit P100 ang kilo ng puting asukal.

ADVERTISEMENT

"Nakikipag-usap po tayo ngayon doon sa ating mag-aangkat para po dun sa presyo para sa ating ah consumers naman po," ani Evangelista.

Tingin naman ng United Sugar Federation of the Philippines na posibleng bumaba na ang presyo ng asukal lalo't paparating na ang 300,000 metric tons ng imported na asukal.

Bukod din dito anila ay nagsimula na ang pag-ani at milling ng tubo sa Negros Island.

"Siguro isang buwan yan darating ang asukal pero good news naman ah we started sugar milling, harvesting started three days ago," ani USFP President Manuel Lamata.

Matatandaang umakyat sa halos P100 kada kilo ang asukal sa merkado.

Ito rin ang naging dahilan kaya't nagtaas-presyo ang ilang nagbebenta ng kakanin.

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.