Resto workers, iba pang trabahador sapul na naman ng panibagong ECQ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Resto workers, iba pang trabahador sapul na naman ng panibagong ECQ

Resto workers, iba pang trabahador sapul na naman ng panibagong ECQ

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Matagal nang salitan sa araw ng pasok ang mga staff ng ilang restaurant dahil sa pandemya kaya matagal na ring bawas ang kanilang sahod.

Ang waiter na si Kevin Binala, pasalamat pa rin dahil pinipilit ng restaurant nila na huwag magsara.

Pero dahil may panibago na namang lockdown, alam ni Binala na kailangan na niya ng sideline lalo’t may pamilyang umaasa sa kanya sa probinsiya.

"Ta-try ko lang din pong mag-delivery rider po if ever po talaga para ma-support ko rin po 'yung everyday needs ko and then 'yung sa mother and sa lolo’t lola ko po kasi wala rin pong sumusuporta sa kanila du'n," ani Binala.

Muling ipapatupad ang enhanced community quarantine o lockdown sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.

Pero simula Sabado, balik takeout at delivery na ulit ang mga restaurant dahil bawal na naman ang dining operations.

Ayon sa grupong Resto PH, pinipilit ng mga restaurant na huwag magsara para mapanatili ang trabaho pero kakailanganin talaga ng suporta mula pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa Resto PH, sana raw matapos ang lockdown sa itinakdang araw dahil siguradong maraming restaurant ang mahihirapan nang isalba.

"There are others who are already on their very very last breath and already clinging on vapor and therefore this is just to them a switch to turn off, they won’t open again after Aug. 20, that’s the sad truth," ani Eric Teng ng Resto PH.

Tingin ni Teng, dapat gamitin ang lockdown bilang pagkakataon para paigtingin ang pagbabakuna kontra COVID-19.

Para sa mga labor group, hindi lang bakuna ang kailangang tugunan ng pamahalaan ngayong lockdown kundi pati ang testing at contact tracing.

"As the government announces another ECQ, testing, tracing and vaccination capacity must be strengthened. Cash assistance must be handed to all Filipino families in light of skyrocketing prices of goods, utilities and services," anang Kilusang Mayo Uno.

Lalo rin umanong tumitindi ang pangangailangan para sa paid quarantine leave ng mga manggagawa ngayong nananalasa ang Delta variant.

"Kaya sila nagpupumilit pumasok kahit may sintomas dahil gustong kumita," giit ni Nadia de Leon ng Institute for Occupational Health and Safety Development.

Nangangamba naman ang Employers' Confederation of the Philippines (ECOP) sa epekto ng paulit-ulit na lockdown sa pagbangon ng ekonomiya.


—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad