Presyo ng gulay, isda sa Murphy Market, tumaas dahil sa pag-ulan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng gulay, isda sa Murphy Market, tumaas dahil sa pag-ulan

Presyo ng gulay, isda sa Murphy Market, tumaas dahil sa pag-ulan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 26, 2021 12:02 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tumaas ang presyo ng ilang klase ng gulay at isda sa Murphy Market nitong Lunes, bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan.

P20 hanggang P30 ang itinaas sa presyo ng ilang gulay na galing sa Benguet at Southern Tagalog.

Presyo ng mga gulay

• Repolyo → P120/kilo (dating P80/kilo)
• Petsay → P120/kilo (dating P80/kilo)
• Kamatis → P120/kilo (dating P80/kilo)
• Bawang → P150/kilo (dating P120/kilo)
• Pipino → P100/kilo (dating P70/kilo)
• Sayote → P60/kilo (dating P40/kilo)
• Luya → P130/kilo (dating P110/kilo)
• Labanos → P100/kilo (dating P85/kilo)
• Cauliflower → P100/kilo (dating P80/kilo)
• Brocolli → P150/kilo (dating P80/kilo)
• Talong → P100/kilo (dating P80/kilo)
• Ampalaya → P100/kilo (dating P80/kilo)
• Carrots→ P80/kilo (dating P70/kilo)

Sumabay din sa pagtaas ng presyo ang isda.

ADVERTISEMENT

Ang galunggong, nasa P80 hanggang P100 kada kilo ang itinaas.

Presyo ng isda:

• Galunggong → P280 hanggang P300/kilo (dating P200/kilo)
• Bangus → P180/kilo (dating P160/kilo)
• Tilapia → P130/kilo (dating P120/kilo)

Matatandaan na sa mga nakalipas na araw ay inulan ang ilang parte ng Luzon, partikular na ang Cordillera, at ilang karatig-lugar ng Metro Manila gaya ng Southern Luzon dahil sa habagat na dala ng Bagyong Fabian.

Bagay ang pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha at landslide na nakaapekto sa maraming residente.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.