Gina Lopez nakipagdayalogo sa mga lumad ukol sa pagmimina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gina Lopez nakipagdayalogo sa mga lumad ukol sa pagmimina

ABS-CBN News
Published Jul 24, 2016 06:00 PM PHT

Manilakbayan 2016 delegates consult with DENR Secretary Gina Lopez. pic.twitter.com/OTQuHaj4lp
— Abner Mercado (@AbnerMercado) July 24, 2016

MANILA - Nakipagdayalogo si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez sa mga katutubong grupo sa Mindanao ukol sa kanilang mga hinaing laban sa mapanirang pagmimina.

Nasa 3,000 lumad mula sa delegasyon ng Manilakbayan 2016 ang naghaing ng kanilang mga reklamo kay Lopez sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) campus sa Manila.

Iginiit ng mga lumad na magkaugnay ang isyu ng pagmimina at ang nararanasan nilang militarisasyon sa kanilang mga komunidad.

"Dahil gustong pasukin ng malalaking kumpanya ng pagmimina ang aming lupain kung kaya itinataboy at tinatakot ang mga katutubo," diin ni Minda Dalinan, isa mga katutubong nanawagan ng tulong.

Bilang tugon, nangako si Lopez na suspendihin ang mga mining firm na babagsak sa ikakasang audit.

DENR Secretary Gina Lopez: "Sususpindihin natin ang mga mining company na lumalabag sa batas." pic.twitter.com/aEBBa9Al0g
— Abner Mercado (@AbnerMercado) July 24, 2016
DENR Secretary Gina Lopez: "Sususpindihin natin ang mga mining company na lumalabag sa batas." pic.twitter.com/aEBBa9Al0g
— Abner Mercado (@AbnerMercado) July 24, 2016
Nagpasalamat naman ang mga katutubo sa pagkakataong makausap ang kalihim.

"Kami'y natutuwa sa pagkakataong makausap ang DENR Secretary at mapakinggan ang hinaing ng mga katutubo" sabi ni Bai Ali Indayla, tagapagsalita ng Manilakbayan 2016.

Lumuwas sa Maynila ang delegasyon ng mga katutubo para makibahagi at ipahayag ang kanilang kalagayan sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Magpapalipas ng magdamag sa PUP campus ang delasyon na binubuo ang mga magsasaka, manggagawa at mga katutubo.