Ilang bakery sa Quezon City magtataas presyo ng tinapay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bakery sa Quezon City magtataas presyo ng tinapay

Jeff Caparas,
ABS-CBN News
Published Jul 20, 2022 10:19 AM PHT

MAYNILA - Nakapaskil na sa isang bakery sa Scout Albano sa Quezon City ang anunsyo na magtataas na sila ng presyo ng kanilang tinapay simula Hulyo 25.

Ang dahilan umano nito ang pagtaas ng mga raw materials sa paggawa ng tinapay gaya ng harina, mantika, margarin at gatas.

Umabot na sa 6.1 percent ang inflation sa Pilipinas noong nakaraang buwan.

Ngayong araw nananatili ang presyo ng bakery sa P2 sa pandesal, P16 para sa malaking ensaymada, P7 sa maliit na ensaymada, pan de coco, spanish bread, donut at kabayan.

ADVERTISEMENT
Nasa P13 naman ang monay at P8 ang hopia.

Pangamba ng mga staff ng bakery, baka mabawasan ang mga suki nila kapag nagtaas sila ng presyo sa susunod Lunes.

Samantala, ilang grupo ng mga bakery ang humihingi ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng mga gamit sa paggawa ng tinapay tulad ng harina at asukal.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT