Water interruption sa ilang lugar sa Metro Manila suspendido: Maynilad | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Water interruption sa ilang lugar sa Metro Manila suspendido: Maynilad

Water interruption sa ilang lugar sa Metro Manila suspendido: Maynilad

ABS-CBN News

Clipboard

Inanunsiyo ngayong Linggo ng Maynilad na suspendido muna ang itinakdang gabi-gabing water service interruption sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon sa water concessionaire, tigil muna ang service interruption sa ilang lugar sa Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City at Valenzuela matapos tumaas ang water elevation sa Ipo Dam bunsod ng mga pag-ulan nitong nakaraang araw.

"Ang mga pag-ulan nitong nakalipas na araw dulot ng #DodongPH ay nakatulong mapataas ang water elevation sa Ipo Dam... na aming kailangan para mapanatili ang normal na serbisyo sa kabila ng mas mababang water allocation mula sa Angat Dam," paliwanag ng Maynilad sa social media post nito.

Pero ayon sa Maynilad, muling magkakaroon ng daily service interruptions "kapag tumigil na ang water inflows sa Ipo Dam dala ng mga pag-ulan."

ADVERTISEMENT

"Magbibigay kami ng abiso bago ito ipatupad muli," sabi ng kompanya sa mga kostumer.

Sa kabila ng suspensiyon, hinikayat pa rin ng Maynilad ang mga konsumer na "makiisa sa masinop na paggamit ng tubig para ang supply [ng tubig] ay lalong mapalawig."

Nasa kalahating milyong kostumer ng Maynilad ang tinatayang apektado ng itinakdang water service interruption bunsod ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.