Mga panadero napipilitang ipako ang presyo ng tinapay sa gitna ng taas-presyo ng sangkap | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga panadero napipilitang ipako ang presyo ng tinapay sa gitna ng taas-presyo ng sangkap

Mga panadero napipilitang ipako ang presyo ng tinapay sa gitna ng taas-presyo ng sangkap

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Sa kabila ng taas-presyo ng mga sangkap, hindi maitaas ng mga bakery ang presyo ng kanilang mga tinapay.

Ito ay dahil nangangamba silang mawalan ng suki, lalo't kakataas lang din ng presyo ng ilang produktong tinapay kamakailan.

"Sa pandesal po mejo nabawas-bawasan na ang customer kasi po namamahalan at para silang nabigla," ayon sa may-ari ng bakery sa Mandaluyong na si Agnes Foraso.

Wala namang magawa ang ilang namimili gaya ni Rose Malvar dahil naiintindihan naman nila ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon.

ADVERTISEMENT

"OK lang naman, naiintindihan naman namin pero sa amin medyo nahihirapan din naman pero kaya rin, wala naman tayo magagawa eh kung nagtaas eh," ani Malvar.

Sinabi naman ng grupong panaderong Pilipino na marami na talagang nalulugi sa kanila o nagsasara lalo na sa mga maliliit na community bakery na kasapi nila.

Dahil dito, humihirit na rin ang kanilang organisasyon ng taas-presyo pa sa pandesal.

"Napakalaki po ng epekto sa amin ng patuloy na pagtaas ng mga raw materials po. Lalong-lalo na po na kami lang ay maliit na bakery lamang po. Hand to mouth po ang aming negosyo," ani Pricess Lunar, direktor ng Panaderong Pilipino.

"Ang kinikita po namin sa araw na ito ay ’yan lang din po ang ginagamit namin sa pang-araw na pambili ng materyales, pampasahod po sa mga tao ... Nakikiusap po ako na sana po ay tumaas ng presyo ng tinapay lalong lalo na po ng pandesal," dagdag niya.

Ayon sa Department of Trade and Industry, pinag-aaralan pa ng ahensiya ang mga mungkahi na taas-presyo sa tinapay. – Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.