Mga di nakakapaghulog sa SSS, Pag-IBIG, dumami dahil sa pandemya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Business

Mga di nakakapaghulog sa SSS, Pag-IBIG, dumami dahil sa pandemya

Mga di nakakapaghulog sa SSS, Pag-IBIG, dumami dahil sa pandemya

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Mahigit 1 milyong miyembro ng Social Security System (SSS) ang hindi nakapagbayad ng kontribusyon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, ayon sa tanggapan.

Mula 17.6 milyong miyembro na nakapagbayad noong 2019, bumagsak ito sa 16.1 milyon. Katumbas ito ng mahigit-kumulang 1.5 milyong bawas. Ibig sabihin, P19 bilyon ang nabawas na kita ng SSS.

"Our investments that we retire kaya sustained and paid for the benefits especially sa ating mga pensioners," ayon kay SSS President and CEO Rora Ignacio.

Samantala, hinikayat naman ng SSS ang mga miyembro na makipagtransaksiyon gamit ang kanilang mobile app. Makikita umano kasi rito ang status ng benefits na in-apply-an, payment contribution, at application ng salary loan.

ADVERTISEMENT

Bukas naman ang SSS sa face-to-face transactions pero by appointment ito dahil sa banta ng COVID-19. May iba kasing transaksiyon na personal ang pagsumite ng requirements.

Naging P34 billion na lang mula P38 bilyon ang naitalang mandatory savings ng Pag-IBIG dahil sa epekto ng pandemya. Gayunman, lumaki ang pondo sa voluntary MP2 savings.

"From P12 billion noong 2019 akala namin record-breaking na. Pero noong 2020, nagulat kami - naging P13.2 billion pa for 2020 ang aming nakolekta," ani Pag-IBIG Spokesperson Atty. Kalin Franco-Garcia.

Sa unang bahagi ng 2021, unti-unti na umano na nakakabawi ang Pag-IBIG dahil employed na ang mga nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng pandemya.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.