Presyo ng trigo tumaas na rin kasabay ng pagmahal ng krudo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng trigo tumaas na rin kasabay ng pagmahal ng krudo

Zyann Ambrosio,
ABS-CBN News
Published Jun 21, 2022 05:55 PM PHT

MAYNILA — Tumaas na rin ang presyo ng trigo o wheat kasabay ng pagmahal ng halaga ng krudo.

Mula Pebrero hanggang Mayo 2022 mahigit 50 porsiyento na ang itinaas ng presyo ng trigo.

Kung ang presyo ng trigo dati ay P860 ang bag na may lamang 25 kilo, ngayon ay aabot na sa P1,000 ang halaga kada bag.

Tatlo ang sinasabing pangunahing dahilan ng pagtaas nito, ayon kay Ric Pinca, executive director ng Philippine Association of Flour Millers, Inc.

Unang dahilan, aniya, ay ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ang Russia kasi ang isa sa pinakamalaking exporter ng trigo sa buong mundo.

Pangalawang dahilan ay ang Indian export ban sa trigo, at ang pangatlo ay ang panahon kung saan ang isa nating pinagkukuhanan ng trigo sa Amerika ay nakararanas ng tagtuyot.

Sa kabila nito, tiniyak ni Pinca na hindi mawawalan ng suplay ng trigo ang bansa at tuloy-tuloy pa ring mag-aangkat nito mula Amerika.

Isa sa mga suhestiyon para hindi maging mabigat na pasanin ng publiko ang pagtaas ng presyo ng trigo ay sa pamamagitan ng tariff reduction sa wheat importation, na maaaring marekomenda sa pamahalaan.

Sa pangkalahatan, naniniwala si Pinca na isang malaking hamon ito sa papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dahil isa ang agrikultura sa apektado ng krisis.

"Magiging mas malaki ang gagastusin natin raw materials have gone up... So long as the war in Ukraine and Russia continues. Hanggang 'di titigil ang away na 'yan," aniya.