Paghawak ni Marcos sa Agriculture dep't umani ng iba-ibang reaksiyon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paghawak ni Marcos sa Agriculture dep't umani ng iba-ibang reaksiyon

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Jun 21, 2022 05:07 PM PHT
|
Updated Jun 21, 2022 09:45 PM PHT

Umani ng iba't ibang reaksiyon sa sektor ng agrikutlura ang anunsiyo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr na siya muna ang hahawak sa posisyon ng kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Malugod na tinanggap ni outgoing Agriculture Secretary William Dar ang anunsiyo ni Marcos, na para sa kaniay'y pagpapakita ng political will ng papasok na pangulo na tutukan ang mga isyung pang-agrikultura.

"The decision of PBBM to take leadership even for a short period is a very strategic decision which tells everyone that agriculture is the priority of my administration and that I’ll see to it that the plans and programs of the sector are the real plans and programs," ani Dar.

Para sa ekonomistang si Renato Reside Jr, mahalagang matimbang ni Marcos ang responsibilidad bilang kalihim at pinakamataas na opisyal ng bansa.

ADVERTISEMENT
Kapag naupong DA chief, mamanahin ni Marcos ang ilang problemang kinahaharap ng industriya tulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa mahal na farm inputs, pagpapataas ng lokal na produksiyon, smuggling, at ang nagbabadyang pandaigdigang krisis sa pagkain dahil sa COVID-19 pandemic at gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ilan ito sa mga balak resolbahin ni Marcos, base sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag).

"Unang dapat gawin is i-clean up ang DA. Ang nabanggit kasi niya is of course ‘yong high yield, second is yung fishery sector sa ating bansa. Imagine ang bangus ini-import pa natin," ani Sinag Chairman Rosendo So.

"Ang produksyon, tutukan natin at lumakas ang ating local produce. 'Yong importation ng mga sibuyas, bigas, dapat bantayan ang smuggling," dagdag niya.

Inaasahan ni outgoing Secretary Dar na mas malaking budget ang ilalaan ng kagawaran para ma-subsidize ang fertilizer, feeds, urban agriculture at aquaculture.

Dapat din umano'y ituloy ang pamimigay ng fuel subsidy na kasama na ang vegetable at plantation farmers.

Bagaman wala pang pormal na pag-uusap sa transition, nakahanda na ang transition plan ni Dar, kung saan kasama ang konsepto para maisakatuparan ang hangad ni Marcos na mapababa ang presyo ng bigas.

Ayon kay Dar, posible ang P27.50 kada kilo ng bigas sa loob ng 4 hanggang 6 na taon.

Mungkahi niyang ibalik ang dating programa ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. na Masgaan 99, na target ang produskiyon ng 99 canvas ng bigas sa bawat ektarya.

Sang-ayon din si Dar sa pahayag ni Marcos Jr. na restructuring ng DA, partikular sa pagtatalaga ng hiwalay na bureau para sa Kadiwa at development cooperatives, at paglipat ng Food Terminal Incorporated sa ilalim ng Office of the Secretary mula sa Office of the President.

Para sa ilang grupo, pagkilala sa malalang situwasyon ng agrikultura ang pag-ako ni Marcos ng posisyon.

"Hindi lang dahil may krisis sa mundo, iyon ding maling pagtangan sa departamento ni Secretary Dar. Pangkaraniwan, hindi ginagawa ng pangulo ‘yan maliban kung sa tingin niya malaliim ang problema," ani United Broiler Raisers Association President Elias Inciong.

"It shows Marcos' decisiveness... we can say he is taking the problem by the horn," sabi ni dating DA secretary Leonardo Montemayor.

Duda naman ang fisherfolk group na Pamalakaya na magkakaroon ng konsultasyon sa ilalim ni Marcos at mas mainam pa ring may karanasan sa agrikultura ang susunod na kalihim.

"Kung titignan natin ang kanyang track record mula noong siya ay nasa Kongreso pa at Senado, wala siyang batas na naipasa para sa mga maningisda at magsasaka. Lagi siyang tumatalikod sa mga debate. Noon pa lang lagi na siyang tumatalikod sa diskusyon, lalo ngayon," ani Pamalakaya Spokesperson Ronnel Arambulo.

"Kung talagang sinsero siya na matuguan ang krisis sa pagkain, dapat pakinggan niya na dapat talikuran ang dahilan bakit may krisis tulad ng liberalization policies," dagdag ni Arambulo.

Inaasahan naman ng Pork Producers Federation of the Philippines na maglalaan ng sapat na pondo para sa indemnification ng mga naapektuhan ng African swine fever.

Pabor naman ang ilang senador sa pagiging Agriculture secretary ni Marcos at kampante umano si Senate President Vicente "Tito" Sotto na mabubura ni Marcos ang smuggling.

Nakikita ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na magiging hamon kay Marcos Jr. na lumayo sa mga dating polisiya ng mga nakaraang administrasyon tulad sa trade liberalization at mga programa ng kaniyang ama.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
agrikultura
Department of Agriculture
Bongbong Marcos
William Dar
Sinag
Pamalakaya
UBRA
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT