Presyo ng petrolyo tataas simula Martes | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng petrolyo tataas simula Martes

Presyo ng petrolyo tataas simula Martes

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 17, 2019 08:17 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) -- Matapos ang 3 sunod-sunod na linggong rollback, magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Hunyo 18.

Nasa P0.35 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, at P0.20 dagdag sa kada litro ng diesel ang ipatutupad ng Shell, Petro Gazz, Seaoil, PTT Philippines, Total, Unioil, at Phoenix Petroleum.

Tataasan din ng Seaoil at Shell ng P0.25 ang kada litro ng kanilang kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga.

ADVERTISEMENT

Naputol ang rollback dahil sa tensiyon sa Gitnang Silangan, ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella.

"Nagkaroon tayo ng tensiyon kung saan iyong dinadaan ng ating petroleum products ay may attacks na nangyari at nagkakaroon ng imbestigasyon nga doon sa international kung sino ang talagang behind doon," ani Fuentebella.

May binabantayan din ang gobyerno sa pandaigdigang merkado na maaari umanong magpataas nang todo sa presyo ng inangkat na petrolyo.

Ipatutupad na kasi simula sa susunod na taon ang paggamit ng mas malinis na fuel o diesel sa mga barkong nagdi-deliver ng inangkat na petrolyo sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Sa pagtatantiya ng mga eksperto, tataas ang freight cost na katumbas ng P5 hanggang P7 na dagdag-presyo sa diesel at iba pang petrolyo.

ADVERTISEMENT

Bunsod nito, nag-uusap ang Department of Energy at Maritime Industry Authority kung ano ang diskarte para hindi gaanong masaktan ang mga motorista.

Ipatutupad din sa Enero 2020 ang huling bugso ng dagdag-buwis sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Sakaling matuloy, pakikiusapan umano ng gobyerno ang mga kompanya ng langis na utay-utayin ang dagdag-presyo. --Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.