Presyo ng manok umabot sa P180 kada kilo sa ilang pamilihan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng manok umabot sa P180 kada kilo sa ilang pamilihan

Presyo ng manok umabot sa P180 kada kilo sa ilang pamilihan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pumapalo na nang hanggang P180 ang presyo ng kada kilo ng ilang parte ng manok sa ilang pamilihan sa Kamaynilaan.

Sa Commonwealth Market sa Quezon City, P180 na ang kada kilo ng drumstick, thigh at wings ng manok.

Kung ikukumpura noong Abril, sinabi ng mga tindera sa pamilihan na nakabebenta raw sila ng whole chicken sa presyong P110 hanggang P120.

Ayon sa mga chicken retailer, kulang kasi ang suplay ng manok na idine-deliver sa mga pamilihan.

ADVERTISEMENT

"Ang puhunan namin sa manok ngayon is P143," anang retailer ng manok na si Joselyn Bruner.

"Papaano naman po ang pambayad namin ng puwesto?" aniya.

Pareho ng presyo sa Commonwealth Market ang presyo sa Mega Q Mart sa Quezon City.

Sa pagmo-monitor ng Philippine Statistics Authority, may mga pamilihan pang nagtitinda ng whole chicken na nasa P175.

Ayon sa tagapamuno ng United Broiler Raisers' Association (UBRA), isang grupo ng poultry producers, bumaba talaga ang suplay ng manok mula sa local farmers.

ADVERTISEMENT

Marami raw kasing local farmers ang hindi muna nag-alaga ng manok dahil nalulugi sila.

Nangunguna raw na dahilan sa pagbaba ng presyo ng manok ay ang pagdami ng inangkat na manok.

"Ang dami nang imported," ani UBRA President Gregorio San Diego.

Nanawagan ang UBRA sa pamahalaan na limitahan ang pag-angkat ng manok at maging alerto kung may nangyayari mang smuggling.

--Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.