Duterte, ibinaba ang tunnel boring machine ng Metro Manila subway project | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Duterte, ibinaba ang tunnel boring machine ng Metro Manila subway project

ABS-CBN News
Published Jun 12, 2022 02:16 PM PHT

MANILA — Inaasahang aarangkada na sa 2025 ang kauna-unahang underground railway system sa Pilipinas.

Ngayong Linggo, Araw ng Kalayaan, naiposisyon na ang tunnel boring machine ng Metro Manila subway project.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa lowering o pagbaba ng nasabing machine sa Brgy. Ugong, Valenzuela City.

Ang naturang subway project ay pinondohan ng Japanese government. Nagkakahalaga ito ng P488 bilyon.
Ang naturang subway project ay pinondohan ng Japanese government. Nagkakahalaga ito ng P488 bilyon.
ADVERTISEMENT
Ito’y may rutang mula Valenzuela City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Mula sa kasalukuyang 1 oras at 10 minutong biyahe, inaasahang mapapabilis ng subway project ang biyahe mula Quezon City hanggang NAIA nang 35 minuto.

Sa oras na maging operational ang subway, aabot sa 370,000 pasahero bawat araw ang kayang serbisyuhan nito.

Target na umarangkada ang partial operations nito sa 2025 at full operations sa 2027.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
Subway
Metro Manila
Rodrigo Duterte
Metro Manila subway
subway project
Philippines subway
Philippines subway project
Build Build Build
infrastructure project
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT