Payo ng incoming DTI chief sa harap ng taas-presyo: 'maging resourceful' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Payo ng incoming DTI chief sa harap ng taas-presyo: 'maging resourceful'

ABS-CBN News
Published Jun 11, 2022 05:55 PM PHT

MAYNILA - Malabo umanong maibaba ang presyo ng bilihin sa unang 100 araw ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto, ayon sa incoming Trade secretary na si Alfredo Pascual.

Ayon kay Pascual, tututukan naman daw nila ang mga presyo ng bilihin pero malabo umanong maibaba ito sa unang 100 araw ng president-elect sa puwesto, kaya dapat maghanap umano ng ibang solusyon.

Halimbawa aniya ay kung hindi importante ang biyahe ay huwag na lang lumabas at iwasan ding bumili ng mamahaling pagkain.

"Kailangan maging resourceful tayo in adressing this problem. Bakit natin ipipilit na tuloy-tuloy pa rin natin yung kinagawian kung hirap naman tayo sa ganon. Magbago tayo," ani Pascual.

ADVERTISEMENT
Sabi naman ng pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na si George Barcelon, kung matitigil ang giyera sa Russia at Ukraine hanggang sa susundo na buwan at bababa ang presyo ng gasolina ay baka may posibilidad na maibaba ang presyo ng mga bilihin.

“Kung talagang hindi kaya ng consumer hindi naman tinotodo yung price increase but kailangan may increase din dahil kung wala kakapusin din ang essentials," aniya.

Matatandaang nagbabala ang ilang grupo na posible pang magtaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa giyera ng Ukraine at Russia, maging sa taas-presyo ng mga bilihin.

May namumuro ding oil price hike sa susunod na linggo.

-- Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT