Magkano ang suweldo kapag regular holiday? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkano ang suweldo kapag regular holiday?

ABS-CBN News
Published Jun 10, 2017 05:27 PM PHT

Isa sa mga inaabangan ng mga empleyado ay ang holiday o ang araw na walang pasok, tulad ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, Lunes.

Ngunit may mga pagkakataon na kailangang magtrabaho kahit na regular holiday. Magkano nga ba ang dagdag sa sahod kapag holiday at kailangang pumasok? Magkano naman ang sasahurin ng hindi magtatrabaho sa holiday?

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na bayaran nang tama ang mga empleyado sa Araw ng Kalayaan, isang regular na holiday.
Sa advisory na inisyu Biyernes, sinabi ng DOLE na dapat bayaran nang tama ang mga empleyadong magtatatrabaho sa Araw ng Kalayaan at dapat sundin ang tuntunin na nakasaad sa labor standards.

Narito ang kompyutasyon ng sahod sa darating na Araw ng Kalayaan:
Narito ang kompyutasyon ng sahod sa darating na Araw ng Kalayaan:
ADVERTISEMENT
Kung hindi magtatrabaho ang empleyado sa regular holiday, tatangap pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang sahod para sa araw na iyon.

[(Daily rate + Cost of Living Allowance o COLA)] x 100%]

Para naman sa mga magtatrabaho kahit regular holiday, tatanggap ang manggagawa ng 200 posiyento para sa araw na iyon, para sa unang walong oras. Samakatuwid, doble ng sahod para sa araw na iyon ang matatanggap ng empleyadong papasok kahit na regular holiday.

[(Daily rate + COLA) x 200%]
[(Daily rate + COLA) x 200%]
Kung magkataon namang lumagpas sa walong oras o mag-overtime sa trabaho ang manggagawa, dapat siyang bayaran ng dagdag na 30 porsiyento ng kanyang hourly rate o ang nakatakdang bayad niya sa bawat oras.

(Hourly rate of the basic daily wage x 200% x 130% x number of hours worked)

Kapag nagkasabay ang holiday at rest day ngunit nagtrabaho pa rin ang empleyado, siya ay tatanggap ng karagdagan 30 porsiyento ng daily rate na 200 porsiyento.

[(Daily rate + COLA) x 200%] + [30% (Daily rate x 200%)]

Kung sakaling mag-overtime pa ang empleyado, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate.

(Hourly rate of the basic daily wage x 200% x 130% x 130% number of hours worked).

Read More:
DOLE
Department of Labor and Employment
Araw ng Kalayaan
regular holiday
hanapbuhay
Tagalog news
PatrolPH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT