P2 kada kilo: Oversupply ng kamatis, ikinalugi ng mga magsasaka sa Nueva Vizcaya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P2 kada kilo: Oversupply ng kamatis, ikinalugi ng mga magsasaka sa Nueva Vizcaya

P2 kada kilo: Oversupply ng kamatis, ikinalugi ng mga magsasaka sa Nueva Vizcaya

Harris Julio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 10, 2020 10:56 AM PHT

Clipboard

Bagsak sa P4 kada kilo ang presyo ng kamatis sa Nueva Vizcaya kumpara sa dating P12. May ilang nagbenta na sa halagang P2 kada kilo. Retrato mula kay Sunright Pugong.

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya — Labis ang panghihinayang ng Bayan Patroller na si lhan lhan Corbe nang makita ang mga kamatis na itinapon sa gilid ng kalsada sa Barangay La norre North, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ibinasura na lang din ang mga kamatis mula Tinoc, Ifugao matapos na hindi maibenta.

Anila, labis daw ang supply ng mga ito.

"Ang problema, maraming suplay ngayon ng kamatis. Iyong 100 crates na kamatis ko, naging basura lang 'yun... Nag-loan pa ako ng pampuhunan, pero hindi bumalik lahat nung gastos sa pagtatanim. Problema ko ngayon 'yung loan," ayon sa magsasakang si Joel Donatao.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pamunuan ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) kung saan dinadala ang mga produkto, noong Lunes lang daw medyo gumanda ang bentahan ng mga gulay kasama na ang kamatis.

Pero ang presyo nito, bagsak sa P4 kada kilo kumpara sa dating P12. May ilang nagbenta na sa halagang P2 kada kilo.

May paliwanag si NVAT general manager Gilbert Cumila kung bakit nagkakaroon ng oversupply ng kamatis.

"Ang isang conclusion dahil sa previous experience ang daming nagtanim nung January-February hoping na mataas ang presyo ng June eh ganun pala, sa sobrang dami nilang sabay-sabay na nagtanim, eto nagkabuhol-buhol ang volume," ani Cumila.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) Region 2, hinihintay na nila ang hakbang ng central office para maremedyuhan ang sitwasyon.

"Nag-propose na tayo sa central office ng multicrop processing plant na worth P35 million, so hopefully. Nai-report ko na kay DA Secretary [William] Dar at 'yun ang priority na pinopondohan," ani DA-Region 2 director Narciso Edillo.

Mayroon ding inihahandang "short-term solution" si Edillo.

Aniya, "Nililink natin 'yung market nila kung saan ibebenta. Bukas babalik din 'yung tatlong elf natin sa DA, bibili din ng kamatis at tutulungan na lang natin ibenta sa mga market na nangangailangan."

"Through the DA Cooperatives, sila po ang frontline natin na bibili at sabi namin sa kanila huwag itaas ang presyo dahil ina-assist naman natin sa transportation cost," dagdag niya.

Bukod sa kamatis, matumal din ang benta ng Baguio beans na nasa P7 hanggang P10 kada kilo ang presyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.