4 pisong taas-presyo sa Pinoy Tasty, Pinoy Pandesal ihinihirit | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 pisong taas-presyo sa Pinoy Tasty, Pinoy Pandesal ihinihirit

4 pisong taas-presyo sa Pinoy Tasty, Pinoy Pandesal ihinihirit

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Apat na pisong dagdag sa Pinoy tasty at Pinoy pandesal ang hinihirit ng grupong Panaderong Pinoy at Philippine Baking Industry group.

Ayon sa presidente ng Panaderong Pinoy na si Chito Chavez, hindi lang dahil sa pagtaas ng presyo ng harina ang dahilan ng hirit nilang umento.

Labis na raw silang apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ang mahigit dalawang taon nang pandemya.

Ang kawalan ng estudyante sa Kamaynilaan dahil sa pandemya ang isa sa mga dahilan kung bakit mas bumaba ang kanilang benta.

ADVERTISEMENT

“Ilang taon nag walang estudyante ang Maynila, halos mahigit dalawang taon, halos puro tag-araw ang aming dinaranas mababang mababa ang benta namin, mag expect lang kami na magkaroon ng benta kung mag face to face na ngayong susunod na buwan, yun na lang ang aming naisip para kami makabawi,“ ani Chavez.

Hirit nilang taasan ang presyo ng Pinoy tasty at Pinoy pandesal para kahit papano makapagpataas na rin ng presyo ang mga community bakers lalo’t ang mga tinapay na ito ang barometro ng mga mamimili sa pagbili ng tinapay.

“Wala kaming pinagkakitaang livelihood, kung iyan ay masisira, isang bayan sa Batangas ang mawawalan ng kabuhayan,” dagdag pa ni Chavez.

Kahit hindi raw isang bagsakan ang umento, ayon kay Johnlu Koa ang presidente ng Philippine Baking Industry Group.

“But [Trade] Secretary Mon Lopez together with Usec. Ruth Castelo are trying their best to give as consideration and they might go to give us baby increase, P2 muna and then pagdating ni Secretary Pascual baka bigyan din kami ng another P2 by then malay mo, Russia declares end of the war, the market will recover,“ ani Koa.

ADVERTISEMENT

Aminado ang ilang gumagawa ng tinapay na labis silang apektado sa taas- presyo ng harina dahil sa patuloy na sigalot ng Russia at Ukraine.

“Ang problema lahat ng panaderya sa Pilipinas hindi pwede basta-basta mag-increase ng presyo kasi mabilis mag-increase ng presyo, ang sales mo babagsak naman," ayon sa bakery owner na si Wilson Lee Flores.

"'Yung mga tao na imagine ko lang kunyari bente nag binibiling pandesal araw-araw ng isang pamilya eh kung tumaas ang presyo bako maging sampu na lang o lima na lang yan sa isang araw so namu-mroblema din lahat ng malilit na negosyo, nag-aadjust ng presyo konti-konti mabagal pero ang adjust ng presyo ng flour non-stop, eh taas ng taas."

Bukas naman si Flores sa panukala ng Department of Agriculture na gumamit ng alternatibo sa harina gaya ng cassava flour.

Si Flores isa sa mga ginagawa ngayon ang tinapay na may sangkap na ube.
Nabawasan nito ang konsumo sa harina.

ADVERTISEMENT

“Naisip ko sa hirap ng problema sa wheat sana mag-isip tayo ng mga substitute for flour. Hindi kailangan 100 percent. Kahit 20 percent, 10 percent malaking tulong yon,” dagdag pa ni Flores.

Aminado ang mga konsumer ng tinapay labis silang maaapektuhan sakaling tumaas ang presyo ng tinapay, gaya ni Lolo Vernos Galapin na nakasanayan na ang tinapay sa umaga.

“May mga apo ako may mga anak ako kaya apektado lahat yan,” ani lolo Vernos.

Ang tugon na lang ng DTI ang hinihintay kung papayag sa apat na pisong umento.

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.