ALAMIN: Programa para sa mga aplikanteng nangangailangan ng job experience

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Programa para sa mga aplikanteng nangangailangan ng job experience

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

May inaalok na programa ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga aplikanteng nangangailangan ng job experience o karanasan sa trabaho, na kadalasan umanong hinahanap ng mga employer.

Sa ilalim ng JobStart Philippines Program, nabibigyan ang mga aplikante ng karagdagang kakayahan at technical trainings.

"During the training period, kayo ay nabibigyan ng allowance. Ang pinaka-importante is 'yong skills," ani Bureau of Local Employment director Dominique Rubia-Tutay.

Paliwanag ni Tutay, isa ang kakulangan sa job experience sa mga karaniwang salik kung bakit nahihirapan ang maraming kabataan na makahanap ng permanenteng trabaho kahit nakapagtapos ng kolehiyo.

ADVERTISEMENT

May 35 pamahalaang lokal ang nagsasagawa ng JobStart.

Kabilang sa mga rekisito para sumailalim sa libreng programa ang mga sumusunod:

- Filipino citizen
- 18 hanggang 24 taong gulang
- At least high school graduate
- Wala pang work experience
- Isang taon nang naghahanap ng trabaho

Isa sa mga sumailalim sa programa ang human resource staff na si Julie Pabuayon.

"Mas lalong na-improve 'yong knowledge ko about HR (human resource)," aniya.

ADVERTISEMENT

Inamin ni Pabuayon na bagaman nakapagtapos ng kolehiyo, nahirapan siyang makahanap agad ng trabaho.

Umabot sa halos 25 kompanya ang sinubkan niyang pasukin, mula sa mga sinalihang job fair, walk-in, at online application.

"Mahirap lalo na kung naghahanap ka ng position na related mismo sa course mo," ani Pabuayon.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.