Pilipinas, may 90-araw na suplay ng harina ayon sa industry group | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pilipinas, may 90-araw na suplay ng harina ayon sa industry group

Pilipinas, may 90-araw na suplay ng harina ayon sa industry group

ABS-CBN News

Clipboard

suplay ng harina

MAYNILA - Wala pang kakulangan sa suplay ng harina ng bansa, ayon sa Philippine Association of Flour Millers.

Ito ay sa harap ng pagtaas ng presyo sa tinapay bunsod ng pagsipa ng presyo ng raw materials na ginagamit sa paggawa nito, gaya ng harina.

"Walang shortage sa suplay ng harina, malinaw yan. Mayroon tayong 90 days supply available at any time," ani Ricardo Pinca, executive director ng PAFMIL.

Pero bukod sa harina, tumaas ang presyo ng asukal, mantika, supot ng tinapay at pang-delivery dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

ADVERTISEMENT

Naputol kasi ng giyera ang suplay ng trigo mula Ukraine at Russisa na kabuuang 30 porsiyento ng wheat supply ng buong mundo.

Dahil dito, tumaas ang demand at presyo ng trigo mula sa Amerika, Canada, at Australia kung saan kumukuha ang Pilipinas.

Sinabi na rin ni Resto PH President Eric Teng, wala pang food shortage sa bansa.

"Marami po namang food production sa Philippines," ayon kay Teng.

Hinikayat naman ni Teng ang mga restoran na gumamit ng mga altenatibong sangkap gaya ng rice flour o kamote flour sa halip na harina.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.