Alokasyon ng tubig mula Angat, babawasan sa Hunyo 16 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Alokasyon ng tubig mula Angat, babawasan sa Hunyo 16

ABS-CBN News
Published Jun 01, 2023 04:39 PM PHT
|
Updated Jun 01, 2023 08:23 PM PHT

Babawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang laan na tubig ng Maynilad at Manila Water mula Angat Dam simula Hunyo 16 bilang paghahanda sa El Niño phenomenon.

Mananatili hanggang Hunyo 15 na nasa 52 cubic meters per second ang alokasyon ng Maynilad at Manila Water galing sa Angat Dam.

Pero pagdating ng Hunyo 16, babawasan ito nang 2 cubic meters per second kaya bababa sa 50 cubic meters per second.

"Gusto rin po natin na may karampatang suplay po tayong naka-imbak, 'yon po ang tinitingnan natin para mapaghandaan ang pagpasok ng El Niño, na ayon sa PAGASA, [ang] epekto ay mararamdaman natin bago matapos ang taon hanggang summer next year," ani NWRB Executive Director Sevillo David Jr.

Ang bawas na 2 cubic meters ay katumbas ng 172 milyong litro na mawawala sa Maynilad, na konsumo na ng 172,000 customers sa isang araw.

Para sa NWRB, sapat na ang 2 linggo para bawasan ng Maynilad ang mga natatapong tubig at dagdagan ang supply mula sa ibang source bukod sa Angat.

Ayon kay David, puwede pang tapyasan ang laan na tubig sa mga susunod na buwan.

Hindi naman masagot ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System kung tama ba ang diskarte ng NWRB na bawas-alokasyon simula Hunyo 16 pero may epekto umano ito sa kostumers ng Maynilad kung hindi madagdagan ng supply o mabawasan ang natatapong tubig.

"For the consumers, magkakaroon ng interruptions especially during the night time pero dapat ma-implement po ang mitigating measures kaya pinu-push natin na ma-complete ang mitigating measures," ani MWSS divison manager Patrick Dizon.

Hindi rin tahasang matiyak ng Maynilad kung ligtas sa water interruption ang kanilang mga kostumer.

Ang diskarte umano ng Maynilad ay bibili ng karagdagang tubig mula sa share ng Manila Water, babawasan ang non-revenue o natatapong tubig, at dagdag na supply mula sa ibang source.

"'Yong kakulangan na 'yon na 2 cubic meters per second na 'yon ay nakikita naman naming sasapat 'yong mitigating measures na in place that we have," ani Maynilad water supply operations head Ronald Padua.

Wala naman umanong dapat ikakaba ang mga konsumer ng Manila Water dahil tiniyak ng kompanyang kahit may bawas-alokasyon ay 24/7 pa rin ang supply ng tubig sa lahat ng kanilang kostumer.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
konsumer
tubig
utilities
National Water Resources Board
Maynilad
Manila Water
Angat Dam
El Nino
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT