Presyo ng carrots, sayote bumaba sa ilang pamilihan sa Metro Manila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng carrots, sayote bumaba sa ilang pamilihan sa Metro Manila

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published May 30, 2022 01:29 PM PHT
|
Updated May 30, 2022 07:17 PM PHT

MAYNILA — Bumaba ang presyo ng carrots sa ilang pamilihan sa Metro Manila, sabi ngayong Lunes ng Department of Agriculture (DA).

Naglalaro sa P30 hanggang P20 ang tapyas sa presyo ng carrots, base sa monitoring ng DA.

Sa Mega Q Mart sa Quezon City, halimbawa, naglalaro na sa P70 hanggang P80 ang presyo ng kada kilo ng carrots, mula sa P100 kada kilo noong nakaraang linggo.

Narito ang presyo sa iba pang palengke, ayon sa DA:
- Munoz Market - P80 kada kilo
- Pritil Market - P80 kada kilo
- Pasay City Market - P70 hanggang P80 kada kilo
- Commonwealth Market - P80 kada kilo
- Quinta Market - P70 hanggang P80 kada kilo
- Malabon Central Market - P60 hanggang P80 kada kilo

Mababang demand ng carrots ang nakikitang dahilan ng ilang vendor, tulad ni Norma Santos, sa pagbaba ng presyo. Kapansin-pansin din umanong malalaking klase ng carrots ang mabibili ngayon.

"Kasi kung marami ang naghahanap, harvest agad ‘yan kahit maliit pa. Eh ngayon ang lalaki na kaya ibig sabihin, inabutan na ng paglaki, wala pa rin bumibili," ani Santos.

May bawas-presyo rin sa sayote, na ngayo'y P20 kada kilo mula P30.

Nagkaroon naman ng pagtaas ng presyo sa ilang highland vegetabale dahil kaunti pa rin ang ani bunsod umano ng mga nagdaang pag-ulan.

Ang repolyo, halimbawa, nasa P35 kada kilo na mula P23 habang umakyat naman sa P85 ang kada kilo ng Baguio beans mula P50.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
palengke
gulay
market prices
carrot
sayote
highland vegetables
Price Patrol
Department of Agriculture
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT