ALAMIN: Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula sa Mayo 31 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula sa Mayo 31

ALAMIN: Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula sa Mayo 31

ABS-CBN News

 | 

Updated May 30, 2022 07:30 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) — Inanunsiyo ngayong Lunes ng mga kompanya ng langis na tataasan nila ang preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 31.

Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P1.70/L
DIESEL +P1.20/L
KEROSENE +P2.45/L

Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P1.70/L
DIESEL +P1.20/L
KEROSENE +P2.45/L

ADVERTISEMENT

Petro Gazz, PTT Philippines, Unioil, Phoenix Petroleum, Jetti Fuel (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P1.70/L
DIESEL +P1.20/L

Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P1.70/L
DIESEL +P1.20/L

Kung susumahin, mula Enero, P30.30 na ang iminahal ng presyo ng kada litro ng diesel, P23.85 sa gasolina at P25.65 sa kerosene.

Sa ngayon, nasa P63 hanggang P80 ang litro ng diesel habang naglalaro naman sa P73 hanggang P95 ang gasolina.

Ayon kay Rodela Romero, assistant director sa Department of Energy (DOE), hindi malabong umabot sa P100 ang kada litro ng gasolina sa mga susunod na buwan.

ADVERTISEMENT

Wala kasing sariling langis ang Pilipinas at umaasa lang sa imported fuel.

Iminumungkahi umano ng DOE na para bumaba ang presyo ng petrolyo ay suspendehin ang Biofuels Act para hindi obligadong lagyan ng additives na 10 porsiyentong ethanol ang gasolina at 2 porsiyentong biodiesel ang diesel sa Pilipinas.

Bawas-presyo sa LPG

Inaasahan naman ang rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Hunyo.

Maglalaro umano ang tapyas sa P5 hanggang P6 kada kilo o P55 hanggang P66 na bawas kada regular na tangke.

Noong Mayo 1, halos P6 din ang ini-rollback sa LPG. Pero sa kabuuan mula Enero, may net increase pa ring P6.90 kada kilo.

ADVERTISEMENT

Naglalaro ang presyo ng LPG sa P885 hanggang higit P1,100 kada 11 kilo na tangke sa Metro Manila.

— May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.