Bilang ng makakapasok sa barberya, dine-in resto sa NCR Plus dadagdagan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bilang ng makakapasok sa barberya, dine-in resto sa NCR Plus dadagdagan

Bilang ng makakapasok sa barberya, dine-in resto sa NCR Plus dadagdagan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Madadagdagan na ang bilang ng mga customer na maaaring pumasok sa mga restoran at personal care establishments gaya ng mga beauty salon sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble simula Hunyo 1.

Ayon sa bagong patakaran, aabot sa 40 porsiyento ang papayagang pumasok sa personal care establishments.

Kung makakakuha sila ng safety seal ng Department of Trade and Industry at Department of the Interior and Local Government, may dagdag pang 10 porsiyento sa kapasidad.

"'Yung ginagawa nating operating capacity kailangan gradual kasi we are considering the new variants here... Obserbahan muna natin 'pag maganda compliance, it will give us confidence na mag-adjust muli upwards," ani Trade Secretary Ramon Lopez.

ADVERTISEMENT

Magiging 30 porsiyento naman ang kapasidad ng mga dine-in restaurant mula 30 porsiyento.

Dahil dito, umaasa si Lopez na mababawasan ang bilang ng mga nawalan ng trabaho dahil sa mas malaking kapasidad.

Nagpasalamat naman ang grupong Resto.PH. Pero hiling nila na sa susunod na mga linggo ay dagdagan pa ito, at gawin din daw sanang alas-12 ng madaling araw ang curfew para mas marami ang makakain sa labas.

Papayagan na rin sa Hunyo ang 30 porsiyentong kapasidad sa mga lugar na pinagdadausan ng meetings conference, at exhibition halls.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.