Mga konsumer, 'tingi-tingi' na mamili; mga tindero umaaray | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga konsumer, 'tingi-tingi' na mamili; mga tindero umaaray

Mga konsumer, 'tingi-tingi' na mamili; mga tindero umaaray

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Unti-unti na raw napapansin ng mga nagtitinda sa palengke na mas dumarami kamakailan ang tingi-tingi na lang kung bumili dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

"Imbes na makakabenta ka nang malaki-laki, 50-50 ang laban. Apektado rin kasi sa presyo ng gasolina kasi bago dumating dito iba na rin ang presyo, matumal na. Dati 1/4 [kilo] pa ng sibuyas binibili, ngayon isang piraso," obserbasyon ni Anday Santos, tindero.

Sa mga palengke sa Quezon City, halos dumoble na ang presyo ng ilang gulay na kadalasang inaangkat sa Northern at Central Luzon. Ang ilan, nasa P10 at pataas ang iminahal.

Nasa P10 naman ang itinaas ng karneng baboy kada kilo at P15 sa manok.

ADVERTISEMENT

Presyuhan sa mga palengke sa QC:

• Baboy -- P220 (dating P210)
• Manok -- P165 (dating P150)
• Carrots -- P60 (dating P55)
• Beans -- P80 (dating P70)
• Cabbage -- P60 (dating P30)
• Patatas -- P60 (dating P45)
• Sitaw -- P80 (dating P40)

Sa Baguio City, P5-P20 na rin ang itinaas sa presyo ng mga gulay.

Presyuhan sa mga palengke sa Baguio:

• Sayote -- P25 (dating P20)
• Sitaw -- P60 (dating P40)
• Sibuyas -- P80 (dating P60)
• Bawang -- P80 (dating P60)

Kaya ang mga mamimili, naghihigpit na ng sinturon at kaniya-kaniyang diskarte kung paano makatitipid.

"Mas makakamura kapag may promo, magagamit pa 'tong giveaway," ani Trinidad Abarra, mamimili sa Dagupan City.

ADVERTISEMENT

“Nahihirapan kaming magulang, paano na 'yung araw-araw na baon ng mga bata. Ang taas talaga ng presyo ng mga bilihin ngayon, grabe,” hinaing ni Cristina Kirimit na taga-Baguio.

Kaya ang mga nag-aangkat ng mga produkto, plano nang manghingi ng dagdag na cargo fee sa kanilang mga kliyente lalo na at nasa 20 porsiyento na raw ang naidagdag sa kanilang gastos dahil sa taas ng presyo ng gasolina.

“Kami cargo-related ang aming trabaho, nagta-transport from cargo to warehouses ng manufacturer, siyempre kakain 'yun ng diesel...Napakalaki ng impact para sa service namin, nag-request na rin kami ng [change of] rate sa aking client," ani Mary Zapata ng Aduana Business Club.

Inirerekomenda na rin ni Senador Grace Poe na suspendihin muna ang excise tax sa produktong petrolyo.

“Hihilingin natin sa Department of Finance (DOF) at sa ibang ahensiya ng gobyerno na pag-aralang mabuti ang suspension ng excise taxes sa fuel dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo,” ani Poe.

ADVERTISEMENT

"May proposal si Senator Bam Aquino for amendment sa TRAIN law, maaari naman tingnan natin 'yan, pero sa akin ang immediate [solution] is just suspension right now, puwede naman administrative [order] lang 'yun," dagdag ng senador.

Mula nang maipatupad kasi ang excise tax sa langis nitong Enero, nasa higit P8 na ang itinaas sa gasolina at halos P11 sa diesel.

Ayon naman sa DOF, maliit na bahagi lang ng TRAIN ang nagdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. May iba pa raw dahilan tulad ng presyo sa world market at paghina ng piso.

"Inflation rose mainly because of local and global factors. TRAIN accounted for only 0.4 percentage points of the 4.5 percent," depensa ng ahensiya.

--Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.