Flights pa-Palawan at Cebu, dumami matapos ang Boracay closure | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Flights pa-Palawan at Cebu, dumami matapos ang Boracay closure

Flights pa-Palawan at Cebu, dumami matapos ang Boracay closure

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mas dumami ang flights sa Clark International Airport papuntang ibang destinasyon matapos ang pagsasara ng Boracay sa mga turista.

Ayon sa pamunuan ng airport, tumaas ang bilang ng biyahe papuntang Busuanga sa Palawan, Puerto Princesa, Cebu, at Bohol.

Sa Busuanga halimbawa, 35 na ang flights kada linggo mula sa dating 28 flights.

Isa ang German national na si Stefan Werder sa mga turistang piniling pumunta sa Busuanga.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Werder, taon-taon siyang namamasyal sa Boracay ngunit napansin niyang dumarami na ang tao sa isla at dumurumi na rin ang dagat.

"I've been four times already in Boracay. The first time, it was nice, but then the last time I said it was disappointing," ani Werder.

[Apat na beses na akong nagpunta sa Boracay. Noong unang beses, maganda pa ito, pero noong huling bisita ko, nadismaya ako.]

Nitong Abril ay naitala ang pinakamaraming pasahero sa kasaysayan ng Clark Airport na umabot sa higit 240,000.

Inaasahan din na mas tataaas pa ang bilang ng mga pasahero ngayong taon dahil patuloy pang dumarami ang flights sa paliparan.

Samantala, tataas pa umano ang kapasidad ng airport sa 12 milyon na pasahero kapag natapos na ang bagong terminal nito sa 2020.

--Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.