Tamis na iwas-diabetes? Mga pa-healthy na softdrink | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tamis na iwas-diabetes? Mga pa-healthy na softdrink

Tamis na iwas-diabetes? Mga pa-healthy na softdrink

ABS-CBN News

Clipboard

Isa ang asukal sa mga sanhi ng diabetes na isa sa mga pangunahing sakit na dahilan ng kamatayan sa mga Pilipino.

Sa Mexico, inilunsad kamakailan ng Coca-Cola FEMSA ang Coke Sin Azucar, kaya naman nadagdagan ang pamimilian ng mga hindi mapigilan ang sarili sa pag-inom ng softdrinks.

Ang "sin azucar" ay salitang Español na ang ibig sabihin ay walang asukal. Ayon sa Coca-Cola FEMSA, sinikap nilang malapit ang lasa nito sa orihinal na Coke na nasa pulang lata.

Kaya lang, wala pang plano ang kumpanya na dalhin sa Pilipinas ang bagong timpla ng Coke. Mabibili sa bansa ang Coke Zero at Coke light na parehas ding walang asukal.

ADVERTISEMENT

"Every place is different. We improve the formula," sabi ni Juan Carlos Cortes, corporate communications manager ng Coca-Cola FEMSA.

Tinitimpla ang Coke gamit ang tubig, simple syrup o ang pinaghalong tubig at asukal o iba pang uri ng pampatamis, at isang sikretong 'blend' na nagbibigay ng lasa sa inumin.

"If you make a switch in one of those products, you need to make sure the brand is going to get accepted," ani Cortes.

"So you don't go through the new Coke kind of thing that we saw in the 80s," dagdag pa niya. Minsan nang binago ng Coke ang lasa ng kanilang produkto at hindi ito tinanggap nang mabuti ng mga mamimili.

Iba pang softdrinks na walang asukal na mabibili rin sa Pilipinas ay ang Pepsi Max ng PepsiCo Inc.

Sa Estados Unidos naman, inilunsad din ang Coke Life, na mas kaunti ang calories kumpara sa ordinaryong Coke, dahil hinaluan ito ng Stevia, isang pampatamis na hango sa halaman.

A post shared by Coca-Cola (@cocacola) on

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.