Ilang travel agencies pumasok sa ibang uri ng pagnenegosyo para mairaos ang lockdown | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang travel agencies pumasok sa ibang uri ng pagnenegosyo para mairaos ang lockdown

ABS-CBN News
Published May 09, 2020 05:15 PM PHT
|
Updated May 10, 2020 06:49 PM PHT

MAYNILA - Lasagna imbes na mga passport at travel documents ang idinedeliver ng dating messenger ng travel agency sa Quezon City na si Jessie Calicdan ngayong may lockdown.

Ito na ang maituturing ngayong “new normal” ng pinapasukan niyang travel agency ngayong suspendido ang karamihan sa mga flight dala ng pandemya sa coronavirus disease 2019.

"Kaysa naman po wala eh, mahirap yung buhay ngayon ma’am, walang pagkakakitaan na iba," ani Calicdan.

Ayon sa employer ni Calicdan na si Michelle Victoria, tuloy-tuloy kasi ang gastos nila sa kuryente, tubig, pasahod, at loan amortization kaya pinasok nila ang pagluluto ng lasagna at pagbebenta ng face masks.

“Before kasi ginagawa lang namin yan during our spare time. Ako nga tuwing Christmas ko lang ‘to niluluto. Mahirap kasi we have to, kailangan nating mabuhay,” ani Victoria.

Si Angel Lao naman na taga-Laoag, gumagawa muna ng mga face mask, damit, at apron gamit ang Abel Iloko na tela.

Gumagawa rin siya ng mga painting na may mensahe ng pag-asa sa gitna ng pandemya.

March 16 nang isara niya ang isa sa 3 branch ng kaniyang travel agency, at nanganganib na rin ang ikalawa.

"I’m saving para if I open again meron akong ulit mapagsimulan na puhunan. Yoon, kasi service kami eh, the travel agency is a service business so ang kailangan lang talaga is kung pano namin matulungan din yung mga staff namin ngayon na walang trabaho na hopefully, 100% na lahat sila makabalik pa din sa kanilang mga trabaho,” ani Lao.

Enero pa nagsimula ang kalbaryo ng mga travel agency, sa unang pagputok ng balita tungkol sa coronavirus.

Tumindi pa ito nang mag-travel ban ang Pilipinas sa China, Hong Kong, at Macau noong Pebrero hanggang sa tuluyang magtigil-operasyon ito nang magkaroon ng enhanced community quarantine noong Marso.

Ilang industriya naman ang papayagang magbukas kapag inilagay sa general community quarantine ang isang lugar.

Pero hindi pa rin kasama rito ang mga travel agency.

Hindi naman nagpipilit ang Philippine Travel Agencies Association o PTAA na payagan silang magbukas sa GCW.

Dahil alam nilang malaki pa rin ang problema sa turismo.

"Even though we open our offices kami pa rin po mag-sho-shoulder ng burden. Kasi we have no sales," ani Jhaytee Wong, PTAA executive vice president.

Aabot sa 5.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga nagtatrabaho sa turismo sa bansa, ayon sa gobyerno. Ito ang ika-2 sektor na nagbibigay ng pinakamalaking kita sa ekonomiya.

Halos 160,000 empleyado sa larangan ng turismo ang nakatanggap na ng ayuda sa small business wage subsidy program.

Pero dahil inaasahang matagal pa ang magiging epekto ng virus, umaasa ng buwanang ayuda ang mga taga-PTAA.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pinag-aaralan na ngayon kung paano mabubuksan unti-unti ang domestic tourism.

Pinaplantsa na nila ngayon ang kanilang recovery program para maayudahan ang mga umaaray sa quarantine sa industriya.

Magpepresenta rin sila ng safety protocols na posibleng gawin sa “new normal.” — Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
lockdown
travel agencies
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT