Mga kompanya mag-aalok ng 'giveaway' sa mga empleyadong magpapabakuna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga kompanya mag-aalok ng 'giveaway' sa mga empleyadong magpapabakuna

ABS-CBN News
Published May 05, 2021 08:18 PM PHT

Isa lang si April Luya sa mga empleyado sa pribadong sektor na nag-aalangang magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa mga nababasa niyang side effects ng vaccine.

"On a trial period pa po ang mga vaccines. 'Di pa siya ganoon, 100 percent, medyo worried lang po ako on my health," sabi ni Luya.

Sa kagustuhang dumami pa ang mga pagbabakunang manggagawa, mag-aalok ng incentive ang mga kompanya, ayon kay Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion.

"Maybe we'll give them gift packs, mga produkto namin. Siguro ibang kompanya diyan magbibigay din ng kaunting gift pack for their employees. All of these are purely voluntary," ani Concepcion.

Pero para sa empleyadong si Raymund Alegre, na naturukan ng unang dose, hindi na kailangang may kapalit ang pagpapabakuna.

"Dapat alam nila sa sarili na I'm doing this not for my own self pero para proteksiyunan din 'yong mga ibang nakakasalamuha ko dito sa work," ani Alegre.

Todo-kampanya ang grupo ni Concepcion dahil magsisimula na ang vaccination ng pribadong sektor sa Hunyo.

Samantala, sini-set up na ang kauna-unahang drive-thru vaccination site sa Metro Manila sa Circuit Makati.

Isi-screen muna ang mga saskayan kung kasali sila sa nagparehistro para sa vaccination bagyo payagang dumeretso sa tent kung saan isasagawa ang pagbabakuna.

"This will help 'yong mga taong naka-wheelchair, paralyzed, 'yong hirap pumila sa vaccination site," ani Makati Mayor Abby Binay.

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Makati na hindi puwedeng basta lang pumunta sa drive-thru vaccination site dahil kailangan ng pre-registration.

Nauna nang magsagawa ng drive-thru vaccination ang lokal na pamahalaan ng Imus, Cavite noon pang Marso sa parking area ng isang mall.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
private sector
private sector workers
Covid-19 vaccination
bakuna
Joey Concepcion
vaccine confidence
Makati
drive-thru COVID-19 vaccination
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT