Outdoor dining sa mga restoran sa MECQ areas puwede na uli | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Outdoor dining sa mga restoran sa MECQ areas puwede na uli

Outdoor dining sa mga restoran sa MECQ areas puwede na uli

ABS-CBN News

Clipboard

Abala na ulit nitong tanghali ng Lunes ang isang restaurant sa Maynila matapos payagan ang outdoor dining sa modified enhanced community quarantine areas (MECQ), kasama ang Metro Manila at 4 na karatig-lalawigan.

Ayon sa mga kumain sa labas, sinusunod naman nila ang mga health protocol para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

"Katulad po ngayon nasa labas, di po masyadong dikit-dikit ang mga tao. Tapos nagsi-circulate ang air," sabi ni Princess Habil.

Sa ilalim ng mga patakaran, 50 porsiyento ang pinayagang capacity para sa outdoor dining at dapat diagonal ang seating arrangement.

ADVERTISEMENT

Bago pumasok, kailangan din munang dumaan sa temperature check at sanitation, at sumagot ng contact tracing form.

"We're using disposable utensils, plastic cups, chopsticks, disposable din iyong spoon and forks namin. Mayroon din station officer na in charge sa labas," sabi ni Kelly Niu, manager ng nasabing restoran.

Kinumpirma rin ni Trade Secretary Ramon Lopez na puwede na ang outdoor dining basta kalahati ang capacity at ipatutupad ang diagonal seating o gumamit ng acrylic divider sa pagitan ng mga kostumer.

Siniguro naman ng samahang RestoPH na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga kostumer, mapa-dine-in man, takeout o delivery.

"I just hope that the public can realize that the restaurant is a safe zone," sabi ni RestoPH President Eric Teng.

"Our systems - sanizations and hygiene systems - have always been in place even before the pandemic started," dagdag niya.

Samantala, nag-anunsiyo rin ng panibagong operating hours ang ilang malalaking mall dahil sa bagong alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw na curfew sa Metro Manila.

Bukas umano ang SM Supermalls mula alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. Kasama sa operational ang supermarkets, banks, pharmacies at iba pang essential stores gayundin ang telecom, retail at service shops.

Pawang restaurants, essential stores, at service shops din ang bukas sa Ayala Malls, na bukas mula alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi maliban sa Greenbelt at Bonifacio High Street na magbubukas alas-11 ng umaga.

Mula alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi naman ang operating hours ng Robinsons Malls habang alas-7 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi bukas ang supermarkets.

Inilagay sa mas maluwag na MECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna hanggang katapusan ng Abril. Naghigpit ng quarantine restrictions sa mga nasabing lugar dahil sa pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.