PatrolPH

Oil price hike sasalubong sa mga motorista sa Holy Week

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2019 06:34 PM

Isang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang inaasahang sasalubong sa mga motorista pagsapit ng Holy Week.     

Base sa unang apat na araw na trading at foreign exchange average, tinatayang nasa P0.70 ang itataas sa kada litro ng diesel habang P0.90 naman sa kada litro ng gasolina. 
 
At imbes na Martes, Lunes Santo pa lang ay ipatutupad na ng ilang gasolinahan ang oil price hike, base sa sources ng ABS-CBN News.—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.