Dagdag-buwis sa petrolyo, taas-presyo sa LPG nagbabadya sa pagpasok ng 2020

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 11:28 AM | Updated as of Dec 30 2019 08:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Panibagong taon, panibagong hamon sa mga konsumer.

Ipatutupad sa 2020 ang pangatlo at huling bugso ng dagdag-buwis sa petrolyo, na inaasahang magpapataas sa presyo ng langis.

Magpapatupad din ang mga kompanya ng pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula Miyerkoles, Enero 1.

EXCISE TAX

Nasa P1.68 ang excise tax o dagdag-buwis na ipatutupad sa kada litro ng diesel at autoLPG sa susunod na taon habang P1.12 naman sa kada litro ng gasolina, kerosene, at LPG.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, nakatakdang magkaroon ng dagdag sa buwis sa langis kada taon sa loob ng tatlong taon simula Enero 1, 2018.

Iba pa ang dagdag-buwis sa taas-presyo sa petrolyong ipatutupad ng mga kompanya ng langis simula Martes, Disyembre 31.

Ayon kay Energy Secretary Felix William "Wimpy" Fuentebella, hindi dapat sabay-sabay ang pagtaas ng presyo sa nakaraang 2 taon.

"'Yong positioning ng inventory nila, talagang pinlano nila, hugot lahat bago mag-December 31," ani Fuentebella.

"'Yong hindi naghanda, no choice na, umakyat na siya ng presyo so hopefully mas maganda ang kompetisyon ngayon," dagdag niya.

TAAS-PRESYO SA LPG

Samantala, naglalaro sa P7 hanggang P8 ang inaasahang taas-presyo ng LPG sa Miyerkoles. -- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.