Pila sa supermarkets humaba kasunod ng Luzon lockdown extension | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pila sa supermarkets humaba kasunod ng Luzon lockdown extension

Pila sa supermarkets humaba kasunod ng Luzon lockdown extension

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 07, 2020 06:58 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Humaba ang pila ng mga mamimili sa mga supermarket matapos inanunsiyo ng gobyerno na extended ang lockdown sa Luzon hanggang sa katapusan ng Abril.

Sa pag-iikot ng ABS-CBN News, naabutan ang mahabang pila ng mga konsumer na naghihintay makapasok sa supermarket sa SM North EDSA para makapamili ng supply.

Isa sa mga pumila si Almira Jumawig, na agad aniyang nag-alala kaugnay sa extension ng enhanced community quarantine kaya agad siyang namili ng gatas at pagkain ng mga anak.

Mahaba rin ang pila ng mga gustong mamili sa supermarket sa Robinson's Magnolia sa Quezon City.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Annalyn Tubeo, halos 2 oras siyang naghintay bago makapasok sa supermarket pero wala naman siyang problema rito basta makapamili ng mga kailangan sa mga susunod na araw.

Humaba rin ang pila sa ilang sangay ng Puregold.

Magugunitang iilang tao lang ang sabay-sabay pinapapasok sa mga supermarket para masunod ang social distancing at maiwasan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Inanunsiyo naman ng SM Supermarkets na bukas ang ilan nilang sangay sa Biyernes Santo para may mabilhan ang mga konsumer.

Isinailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon hanggang Abril 30 para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.