P31-B supplemental budget para sa Agrikultura, aprubado na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P31-B supplemental budget para sa Agrikultura, aprubado na

P31-B supplemental budget para sa Agrikultura, aprubado na

Arra Perez,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Binigyan na ng go signal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang P31 bilyon karagdagang pondo ng Department of Agriculture.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa isang teleconference noong March 27 inaprubahan ang supplemental budget na gagamitin para sa 'Plant, Plant, Plant Program' o Agri 4Ps na tutulong maingat ang food adequacy level ng bansa habang may COVID-19 pandemic.

Ieendorso na ng IATF ang naaprubahang pondo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga programa sa ilalim ng Agri 4Ps ang rice at fisheries resiliency project, palay procurement fund, social amelioration para sa mga magsasaka at farm workers, pagpapalawig sa KADIWA ni Ani at Kita, urban agriculture project at acquisition ng protective personal equipment.

ADVERTISEMENT

Siniguro ni Dar na may sapat na suplay ng pagkain sa bansa sa susunod na dalawang buwan.

Aniya, patuloy ang pagpapaigting sa food security, katuwang ng mga lokal na opisyal upang masiguro ang walang patid na transportasyon ng agricultural products.

Kasama sa supplemental budget ang mga sumusunod:

  • P7.5B - rice resiliency project;
  • P7B - palay procurement fund of the National Food Authority;
  • P3B - expanded SURE Aid and recovery project;
  • P3B - expanded agriculture insurance project;
  • P3B - social amelioration for farmers and farm workers;
  • P1B - upscaling of KADIWA ni Ani at Kita;
  • P1B - integrated livestock and corn resiliency project;
  • P1B - expanded small ruminants and poultry project;
  • P1B - coconut-based diversification project;
  • P1B - fisheries resiliency project;
  • P1B - revitalized gulayan project;
  • P500M - urban agriculture project;
  • P500M - acquisition of protective personal equipment;
  • P300M - corn for food project; and
  • P200M - information, education and communications project.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.