PatrolPH

Presyo ng petrolyo may higit P1/L bawas simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2021 01:13 PM | Updated as of Mar 29 2021 06:16 PM

Presyo ng petrolyo may higit P1/L bawas simula Martes 1
Gasolinahan sa Quezon City noong Hulyo 20, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA (UPDATE) – Nag-abiso ang mga oil firm na magkakaroon ng higit P1 bawas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Marso 30.

Ayon sa Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, Total Caltex, Phoenix Petroleum, Petron, at PTT Philippines, P1.30 ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang diesel habang P1.20 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din umano ang Shell, Seaoil at Petron ng P1.40 tapyas sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene.

Nasa P1.35 naman umano ang bawas-presyo ng Caltex sa kada litro ng kerosene nito.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magro-rollback alas-8:01 ng umaga.

Bago nito, nauna nang magpatupad ang Unioil noong Linggo ng P1.30 bawas-presyo sa kada litro ng diesel at P1.20 bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

– Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.