'Electricity, water bill puwedeng bayaran online para di magpatong-patong' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Electricity, water bill puwedeng bayaran online para di magpatong-patong'

ABS-CBN News
Published Mar 26, 2020 07:04 PM PHT

Pinayuhan ng Meralco at water concessionaires na Maynilad at Manila Water ang publiko na kung kaya ay bayaran ang mga bill online o sa pamamagitan ng electronic cash.

Ito ay para maiwasan umano ang pagpapatong-patong ng mga bayarin sa singil sa kuryente at tubig kapag natapos ang enhanced community quarantine sa Luzon, na ipinatupad ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

"Magpapatong-patong na po ang kanilang mga balanse kapag nagtuloy-tuloy 'yong enhanced community quarantine," ani Maynilad Business Area Spokesman Zmel Grabillo.

"Hinihikayat namin sila na samantalahin 'yong online bank payments kasama 'yong transfer fund facilities," ani Grabillo

"Available 'yong online payment channels natin," ani Manila Water Spokesman Jeric Sevilla.

Tiniyak naman ng Meralco na handa silang gumawa ng mga hakbang para mapagaan ang inaasahang pagdodoble-doble ng bayarin ng masang Pilipino sa oras na alisin ang enhanced community quarantine.

Ayon naman kay Bayan Muna chairperson Neri Colmenares, dapat ay huwag munang maningil ng susunod na bill ang Meralco at water concessionaires lalo at maraming Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa lockdown.

Magugunitang ipinahinto ng Meralco ang pagbabasa ng metro ng kuryente bunsod ng pagkalat ng COVID-19. Ang magiging basehan ng bill ngayong buwan hanggang matapos ang quarantine ay ang average na binabayaran ng kada kostumer sa nakalipas na 3 buwan.

Halimbawa, sa parating na April bill, ang average na konsumo mula Enero hanggang Marso ang babayaran. Pero may palugit namang 30 araw sa pagbabayad.

Pati ang Maynilad at Manila Water ay nagbigay ng 30 araw extension sa pagbabayad ng water bills bunsod ng quarantine period.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
konsumer
utilities
tubig
kuryente
Meralco
Manila Water
Maynilad
enhanced community quarantine
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT