'Circuit breaker lockdown' imbes na ECQ sa Metro Manila sinisilip ng DOH | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Circuit breaker lockdown' imbes na ECQ sa Metro Manila sinisilip ng DOH

'Circuit breaker lockdown' imbes na ECQ sa Metro Manila sinisilip ng DOH

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tinitingnan ngayon ng Department of Health ang pagsasagawa ng "circuit breaker lockdown" sa Metro Manila sa harap ng pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Kasabay ito ng paglilinaw ng gobyerno na wala silang plano na ibalik sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang Kamaynilaan.

Sa "circuit breaker lockdown," bababaan ang kapasidad ng ilang establisimyento para "mapigilan ang kadena ng hawaan," ayon kay Health chief Francisco Duque III.

"Isang pamamaraan para mas mabilis na mapigilan ang kadena ng hawaan. Ang gagawın dito, palalakihin lang 'yung restriction. Halimbawa dati 50 percent sa restaurant gagawing 30 percent 'yung puwedeng kumain… O 'yung mga iba pang mga public places," ani Duque.

ADVERTISEMENT

Samantala, pansamantalang isasara ang ilang leisure establishments dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa mga lugar na naka-general community quarantine, kung saan napapailalim ang Metro Manila.

Alinsunod sa Resolution 103 ng Inter-Agency Task Force (IATF), pansamantalang isasara ang ilang leisure establishments gaya ng:

  • Cinemas;
  • Video at game arcades;
  • Library at archives;
  • Museums at cultural centers.

Isasara rin ang mga driving school.

Hanggang Abril 4 magtatagal ang pagsasara ng mga nasabing establisimyento. Lilimitahan din ang papayagan sa mga indoor tourist attraction.

Binabawasan din ulit ang kapasidad ng dine-in restaurants, cafes, at personal care services gaya ng mga salon sa 50 porsiyento. Dati kasi, puwedeng lumagpas basta't masunod ang physical distancing.

Nitong Pebrero lang pinayagan muli ng IATF ang pagbubukas ng tradisyunal na cinema, arcade, at mga driving schools.

Lilimitahan naman sa essential business gatherings at sa 30 porsiyentong kapasidad ang mga meeting, conference, at exhibition. Lilimitahan din sa 30 porsiyentong kapasidad ang mga religious gathering, kung hindi ito tututulan ng mga lokal na pamahalaan.

Bawal naman ang pagsasabong at cockpit operations sa mga lugar na naka-GCQ at naka-modified GCQ.

Ngayong Biyernes naitala ang 7,103 kaso ng COVID-19, na pinakamarami na naitala sa isang araw sa bansa.

-- May mga ulat nina Jamaine Punzalan at Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.