Mga magsasaka problemado sa pagbebenta ng ani sa gitna ng COVID-19 lockdown
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga magsasaka problemado sa pagbebenta ng ani sa gitna ng COVID-19 lockdown
ABS-CBN News
Published Mar 19, 2020 01:51 AM PHT

STA. CATALINA, Ilocos Sur — Problemado ang ilang magsasaka sa Ilocos Sur dahil matumal ang bentahan ng kanilang mga produkto sa gitna ng umiiral na lockdown sa buong Luzon.

Ang enhanced community quarantine ay ipinatupad para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kaakibat nito ang istriktong home quarantine sa lahat ng residente, at pagsuspinde sa public transport. Hindi naman pipigilan ang mga sasakyang may dalang cargo.

Ngayon sana ang schedule ng isang negosyante na bibili ng cauliflower sa magsasakang si Ador Gorospe, pero naantala ito dahil hindi pa ito nakakakuha ng permit bilang pagsunod sa pinaigting na quarantine.

"Kung hindi namin aanihin mas lalong masisira, mas malaki pa ang gagastusin," sabi ni Gorospoe.
"Kung hindi namin aanihin mas lalong masisira, mas malaki pa ang gagastusin," sabi ni Gorospoe.
ADVERTISEMENT
Nasa P15 per kilo ang dating farm gate price ng cauliflower pero ngayon ay P7 per kilo na lang ito.

"Kahit ibenta na namin sa mababang presyo basta hindi kami lugi," ayon kay Gorospe.

Nangangamba rin sila na baka babagsak pa ang presyo ng mga gulay sa mga susunod na araw.

Hindi rin mabenta ang mga pakwan ng mga magsasaka sa bayan ng Magsingal.

Ang pamilya Rochina, mahigit 10 ektarya ng kanilang bukid ang nataniman ng pakwan pero walang siguradong bibili.
Ang pamilya Rochina, mahigit 10 ektarya ng kanilang bukid ang nataniman ng pakwan pero walang siguradong bibili.
ADVERTISEMENT
"Maganda ang ani pero walang buyer," sabi ni Marites Rochina.

Malaking problema ito dahil nag-loan din daw sila sa bangko para lang sa tanim.

"Inutang namin sa bangko lahat ng puhunan kaya hindi na namin alam kung saan kukunin ang pambayad kapag wala kaming benta," ani Rochina.

Bumaba nang hanggang P10 per kilo ang farm gate price ng pakwan. Paisa-isang sako lamang ang kanilang nabebenta kada araw.

Hinog na ang mga pakwan kaya kung magtatagal pa ito hanggang unang linggo ng Abril ay masisira ang mga ito, anila.
Hinog na ang mga pakwan kaya kung magtatagal pa ito hanggang unang linggo ng Abril ay masisira ang mga ito, anila.
ADVERTISEMENT
Hanggang Abril 13 tatagal ang lockdown ng Luzon.

Sa huling tala, 202 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.