Mga gasolinahan dinagsa Lunes ng gabi bago ang oil-price hike | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga gasolinahan dinagsa Lunes ng gabi bago ang oil-price hike

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2022 12:20 AM PHT

Dinagsa ang mga gasolinahan sa bansa nitong Lunes ng gabi bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Hindi ininda ng maraming motorista ang haba ng pila para makatipid, katulad ng gasolinahan na ito sa Angeles City, Pampanga na nakuhanan ng video.

Kita rin ang pagdagsa ng mga motorista sa ilan sa mga gasoline station sa bayan ng Cainta, Rizal.

Vehicles line up at a number of gas stations along the Ortigas Avenue Extension & Imelda Avenue in Cainta, Rizal, hours before oil prices hikes of P5.85/L for diesel & P3.60/L for gasoline take effect this Tuesday. pic.twitter.com/tlQKOez3jN
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) March 7, 2022

Ipapatupad ang malakihang sirit sa presyo ng petrolyo sa Martes, Marso 8. Ito ang ika-10 sunod na linggong nagkaroon ng oil-price hike.

Kasama ang dagdag sa Martes, maglalaro na sa P66 hanggang P85 ang litro ng gasolina habang P58 hanggang P73 naman sa diesel.

Hahayaan umano ng Department of Energy na isang bagsak ang big-time oil-price hike dahil sa giyera sa Ukraine dahil baka may dagdag ulit umano sa susunod na linggo at lalo lang lumobo ang dagdag-presyong tatama sa mga motorista.—Ulat nina Gracie Rutao, Trisha Mostoles at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT