Tindahan ng isda na sumusunod sa SRP inilunsad sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tindahan ng isda na sumusunod sa SRP inilunsad sa QC

ABS-CBN News
Published Mar 02, 2020 03:34 PM PHT

Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) at pamahalaang lokal ng Quezon City ngayong Lunes sa lungsod ang “Isda on the Go,” kung saan makabibili ng mga isda sa presyong pasok sa suggested retail price (SRP).

Layunin ng tindahan na “Isda on the Go” na matiyak na may sapat na supply ng isda na mabibili sa abot-kayang presyo, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Kabilang sa mga binebenta sa tindahan – na matatagpuan sa tapat ng Quezon City Hall malapit sa Elliptical Road – ang galunggong na nasa P60 kada kalahating kilo, cream dory na P120 kada 900 gramo hanggang isang kilo, pampano na P190 kada 500 hanggang 600 gramo, at hipon na P180 kada 500 gramo.

Nasa P210 naman ang isang kilo ng pusit at pinaghalong seafood.
Nasa P210 naman ang isang kilo ng pusit at pinaghalong seafood.
ADVERTISEMENT
Isa ring hakbang ang “Isda on the Go” para maipatupad ang SRP at hindi maabuso ng mga trader ang presyo ng isda, ayon kay Dar.

Bukod sa isda, pinag-aaralan din ng DA na magbenta ng iba pang agriculture products, gaya ng manok, ani Dar.-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Isda on the Go
Quezon City
Department of Agriculture
suggested retail price
agrikultura
PricePatrol
bilihin
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT