DTI: Excise tax posibleng suspendihin kung magpapatuloy ang oil-price hike | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DTI: Excise tax posibleng suspendihin kung magpapatuloy ang oil-price hike

ABS-CBN News
Published Feb 26, 2022 04:03 PM PHT

Tiniyak ng Department of Trade and Industry ang kahandaan ng pamahalaan na harapin ang pagsirit ng presyo ng langis bungsod ng Ukraine-Russia crisis.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, maaring masuspinde ang excise tax sa langis sakaling tumaas ng $80 ang presyo ng langis kada bariles, batay sa probinsyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

“Under the TRAIN law kasi, kapag tumaas ng above 80 US dollars per barrel ang fuel natin, mayroong mechanism under the TRAIN law na masu-suspend iyong excise tax. So, ang government naman, ready na harapin kung sakaling tataas pa para ma-cushion iyong effect nito sa mga ordinaryong tao," pahayag ng opisyal.

Ayon pa kay Castelo, hindi pa naman agad mararamdaman ang domino effect o pagsunod na pagtaas ng presyo ng iba pang produkto.

Sa ngayon, wala pa naman umanong manufacturer ang nagre-request na magtaas ng presyo.

Pero ang mga nasa industriya ng tinapay, ngayon pa lang ay ramdam na ang pagtaas ng presyo ng harina sapagkat galing Ukraine at Russia ang halos 30 porsiyento ng trigo sa buong mundo. — Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT