Mga magsasaka, mangingisda 'pinakadukha', ayon sa mga eksperto | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga magsasaka, mangingisda 'pinakadukha', ayon sa mga eksperto

ABS-CBN News
Published Feb 19, 2021 08:21 PM PHT

MAYNILA – Ang mga magsasaka at mangingisda ang itinuturing na "poorest of the poor" o pinakadukha sa lipunan, ayon sa mga eksperto, batay na rin sa datos na nakuha nila sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, ang dalawang hanapbuhay ang may "highest poverty incidences" sa bansa, na pumapalo sa 31.6 porsiyento para sa mga magsasaka at 26.2 porsiyento sa mga mangingisda.

Sabi ng mga eksperto, ito ay dahil umano sa pagtingin ng karamihan sa industriya ng agrikultura.

"Agriculture in general is being treated as a poor man's sector, youth are no longer interested in farming as livelihood and opt to move into urban areas," ayon kay Mudjekeewis Santos ng National Academy of Science and Technology, isang opisina sa ilalim ng Department of Science and Technology.

ADVERTISEMENT
May kinalaman din ang red-tagging at iba pang peligro kaya marami ang hindi na pumapasok sa pagtatanim at pangingisda.

"Farmlands are being converted to different land use, organizations are being targeted and red-tagged. Low revenue... due to middle man system and lack of government support," sabi ni Santos patungkol sa mga dahilan.

Sabi naman ni Raul Socrates Banzuela, national coordinator ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA), maraming mga magsasaka ang hindi sumasali sa kooperatiba, kung saan ibinubuhos ng gobyerno ang pera.

"Maraming interventions tayo but the truth is only 20 percent of our 8.5 million family farmers are engaged or involved in cooperatives and organizations. The rest, 80 percent, walang samahan na kinabibilangan. Ang problema, 138 programs of the government will go mostly in cooperatives and organizations kaya missed out na agad ang hindi member ng organizations," ani Banzuela.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nanganganib maubos ang mga magsasaka sa susunod na 10 taon kung hindi mahihikayat ang kabataang pumasok sa industriya.

–Mula sa ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT