RCEP free trade deal na-sponsor na sa plenaryo ng Senado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RCEP free trade deal na-sponsor na sa plenaryo ng Senado

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Feb 15, 2023 08:15 PM PHT

MAYNILA — Na-sponsor na sa plenaryo ng Senado nitong Miyerkoles ang resolusyon na umaayon sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement (RCEP).

Unang nag-sponsor sa tratado si Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sabi ni Zubiri, matagal nang suportado ng gobyerno ang RCEP, at concurrence na lang ng Senado ang hinihintay dito.

"Ayoko pong mapag-iwanan tayo. Ayoko pong tignan tayo ng ibang bansa bilang isolationist, na sarado sa malayang kalakalan. Ayoko pong pigilan ang paglago ng ating mga industriya, at ang pag-unlad ng ating mga mamamayan," aniya.

ADVERTISEMENT
Paliwanag pa ni Zubiri, ang RCEP ang pinakalamaking regional free trade agreement sa buong mundo. Ang kasunduan ay hindi lang anya tungkol sa pagbawas sa taripa o pagbubukas ng merkado.

Noong lumagda anya ang Pilipinas, maraming business organization ang nagpahayag ng suporta. Pero ang problema, hindi pa ito nararatipikahan ng Senado .

Enero 1, 2022 naging epektibo ang RCEP.
Enero 1, 2022 naging epektibo ang RCEP.
Garantiya pa ni Zubiri, nauunawaan niya ang pangamba ng mga magsasaka at tiniyak niya na hindi malulugi dito ang mga magsasaka.

"Kaya gusto ko pong tiyakin sa sektor na hindi tatapakan ng RCEP ang ating mga magsasaka, at hindi nito papatayin ang ating agrikultura. Hindi ko rin naman po ito isusulong kung hindi benepisyo ang nakikita kong dala nito—at ako ang unang haharang dito kung makakasama ito sa atin," aniya.

At para lubos na maprotektahan ang mga magsasaka ay gagawa ng guidelines para sa implementasyon ng RCEP kabilang ang credit, insurance, loan at grants sa mga magsasaka.

Sa sponsorship naman ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, sinabi na kabuuang 1.9 percent lang ng total agricultural tariff lines ang masasama sa RCEP.

"The RCEP Agreement, the instrument that binds us with the other participating countries — will help us achieve the right conditions to expand our markets for goods and services, create more jobs, build opportunities to strengthen the various economic sectors in ways that will make them more competitive, and more importantly, assist our MSMEs in participating in cross-border trade, as well as in regional value chains," aniya.

Hiniling din niya na isama bilang bahagi ng resolusyon ang ilan pa niyang rekomendasyon na resulta ng kanyang konsultasyon sa iba't ibang sektor.

Labing anim na senador ang pumirma sa committee report.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
Senate
Senator
senado
RCEP
Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT