Mga pamilya ng OFWs umaaray sa bawas-padala dahil sa pandemya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pamilya ng OFWs umaaray sa bawas-padala dahil sa pandemya

ABS-CBN News
Published Feb 15, 2021 08:52 PM PHT
|
Updated Feb 16, 2021 01:24 AM PHT

MAYNILA – Dahil sa pandemya, inasahang bagsak ang padalang remittances ng mga overseas Filipino workers noong 2020.

Ang 73 anyos na si Pacita Eugenio, nagpa-part time bilang masahista. Dati'y tinutulungan siya ng isa pa niyang anak na OFW sa Jeddah pero dahil sa pandemya, nabakante ang anak nang 4 buwan, hanggang napilitan na lang umuwi sa Pilipinas.

"Noong wala pa tayong pandemic, ang abot niya sa akin, pag padala doon sa pamilya, inaabutan ako P2,000, ganon. Sa ngayon wala na po eh. Wala na siyang trabaho," ani Eugenio, na may binubuhay na anak na PWD.

Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa buong 2020, nabawasan ng mahigit P11 bilyon ang perang pinadala ng mga overseas Filipinos sa kanilang kaanak sa Pilipinas, kumpara sa buong 2019.

ADVERTISEMENT
Pero saad ng BSP, mainam pa rin ang datos na ito dahil inaasahan nilang umabot ng halos P29 bilyon ang dapat nabawas sa remittances dahil sa epekto ng COVID-19 sa buong mundo.

Kaya sa Senado, patuloy na isinusulong ng gobyerno ang panukalang
Department of Overseas Filipinos o DOFIL para tumutok sa mga pangangailangan at proteksyon ng mga OFW.

Pero habang ito ay isang panukala pa lang, hiling ng mga mga OFW at ng kanilang pamilya ang ayuda dahil sa taas ng mga bilihin.

–Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News
–Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT