Presyo ng bulaklak sa Dangwa steady ngayong Valentine's | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng bulaklak sa Dangwa steady ngayong Valentine's

ABS-CBN News
Published Feb 14, 2023 01:48 PM PHT

Good news para sa mga nais humabol sa pagbibigay ng bulaklak ngayong Valentine's day dahil steady ang presyo ng mga ito sa Dangwa Flower Market sa Maynila.

Kung nitong mga nakaraang linggo, walang preno sa pagtaas ang presyo ng mga mga bulaklak sa Dangwa, ngayong Valentine's Day, wala na munang paggalaw sa presyo nito.

Naglalaro ang presyo ng isang dosenang local roses mula P800 hanggang P1,500.

Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa
- China Rose: P1,700/bundle (20 stems)
- Ecuadorian Rose: P200/stem, P4,500 bundle (25 stems)
- Carnation: P600/Bundle (20 stem)
- Stargazer: P180/stem, P1,800/Bundle
- Sunflower: P800/Bundle

Ang China Rose, nakapako na sa P1,700 per bundle at ang Ecuadorian rose sa P200 kada piraso at P4,500 naman ang kada bundle.

P180 naman ang kada piraso ng stargazer at P1,800 kada bundle nito.

P600 naman ang kada bundle ng carnation at 800 pesos naman ang kada bundle ng sunflower.

"Usually kapag February 14 kasi medyo bumababa na rin yung presyo kasi tinitignan din yung stock ng may mga shop dito sa Dangwa," ayon sa may-ari ng flower shop na si Jimwell Tolentino.

Madaling araw pa nga lang ay marami na agad ang customer na bumibili ng mga bulaklak dahil mas mura daw at mas maraming pagpipilian sa Dangwa.

Payo ng ilang nagtitinda, i-check na muna ang presyo para masigurong hindi overpriced ang mga bulaklak na bibilhin.

-- Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT