LPG gas outlet sa Sta. Ana, Maynila noong 2019. George Calvelo, ABS-CBN News/File
Isang araw matapos ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo, malakihang pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) naman ang sumalubong sa mga konsumer ngayong Miyerkoles, unang araw ng Pebrero.
Ayon sa Petron at Phoenix, P11.20 ang kanilang taas-presyo sa kada kilo ng LPG at P6.25 sa kada litro ng auto-LPG simula alas-12:01 ng hatinggabi.
Alas-6 ng umaga naman magpapatupad ang Solane ng P11.18 taas-presyo sa kada kilo ng kanilang LPG.
Ayon naman sa Cleanfuel, magdadagdag sila nang P5.50 sa presyo ng auto-LPG simula alas-8:01 ng umaga.
Ang pagmahal ng LPG ay bunsod pa rin ng pagtaas ng demand sa China dahil sa pagbubukas ng ekonomiya sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.