Ekonomiya sumadsad sa pinakamababang antas simula World War 2 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ekonomiya sumadsad sa pinakamababang antas simula World War 2

Ekonomiya sumadsad sa pinakamababang antas simula World War 2

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 28, 2021 10:30 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Pinadapa ng pandemya ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2020 at nagrehistro ito ng negatibong paglago para sa buong taon.

Nasa -9.5 percent ang gross domestic product (GDP) para sa 2020 -- ang pinakamalala nang antas mula 1947 o pagkatapos ng World War 2.

Ang GDP ang suma ng lahat ng mga produktong nalikha at serbisyong nagawa sa Pilipinas sa loob ng isang quarter o isang taon.

"Our quarantine restrictions reduced household spending by P801 billion in 2020 or an average of around P2.2 billion per day. The fall in consumption translates into a total income loss of around P1.04 trillion in 2020 or an average of around P2.8 billion per day," sabi ni acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua.

ADVERTISEMENT

Pero umaasa ang gobyerno na makakabangon na ang ekonomiya ngayong 2021, kasabay ng pagluwag ng quarantine restrictions at ang inaasahang pagsisimula ng pagbigay ng bakuna laban sa COVID-19.

Patuloy ring gumagastos ang gobyerno para matulungang makabangon ang ekonomiya.

Prayoridad din daw na siguraduhing may sapat na food supply, lalo na’t bumagsak din ang agriculture sector noong 4th quarter ng 2020 dahil sa mga nagdaaang bagyo at sa African swine fever.

"Our priority right now is to ensure food supply is adequate so households who have been affected by COVID-19 and the quarantines will not be doubly affected by possible further spikes in inflation," ani Chua.


–Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.